^

Police Metro

Binondo drug bust: 2 todas

Ludy Bermudo - Pang-masa
Binondo drug bust: 2 todas
Sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang ikasa ng drug bust operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD-Station 11 sa no. 72 San Miguel Road, Binondo na pinaglulunggaan ng mga suspek.
File

MANILA, Philippines — Napatay sa engkuwentro ng mga pulis ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang dalawang suspek na hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC)  ay kinilala sa mga alyas na “Darwin”, tinatayang 25-anyos,  5’5” ang taas, at alyas “Oscar”, nasa 55-anyos may taas na 5’6”.

Sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang ikasa ng drug bust operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET)  ng MPD-Station 11 sa no. 72 San Miguel Road, Binondo na pinaglulunggaan ng mga suspek.

Dito ay nakipagtransaksiyon ang poseur bu­yer  nasi PO1 Allan Hila­rio, subalit nahalata umano ni Darwin na pulis ito kaya tinakbuhan ito at humingi ng saklolo sa pagsigaw ng “Kuya Oscar, tulong, putukan mo, mga pulis pala sila!”

Nakabunot umano ng baril si Oscar na nakatayo lang sa hindi kalayuan  at sinalubong ng putok ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang dalawang suspek at nasamsam sa mga ito ang tatlong plastic sachet ng shabu, P1,000 buy bust money, at dalawang kalib­re .38 baril.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with