^

PSN Showbiz

Billy at Coleen ipinagtanggol sa panggagamit ng mga katutubo sa Ethiopia

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Billy at Coleen ipinagtanggol  sa panggagamit ng mga katutubo sa Ethiopia

Seen: Nag-celebrate si Gerald Anderson noong March 7 ng 29th birthday niya sa set ng My Perfect You sa Masinloc, Zambales dahil may shooting siya. Double time ang shooting ng cast ng My Perfect You dahil hinahabol nila ang March 14 playdate ng pelikula nina Gerald at Pia Wurtzbach.

Scene: Kinumpirma ng direktor na si Cathy Garcia Molina na natagpuan na niya ang bagong pag-ibig at may posibilidad na magpakasal sila kapag nag-retire na siya bilang direktor sa August 2019. Nabiyuda si Direk Cathy noong March 2009.

Seen: Ngayon ang pilot telecast ng Ang Forever Ko’y Ikaw, ang drama romance series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Camille Prats at Neil Ryan Sese. Mapapanood ang Ang Forever Ko’y Ikaw bago mag-Eat Bulaga.

Scene: Ipapakilala sa Ang Forever Ko’y Ikaw ang loveteam nina Bruno Gabriel at Ayra Mariano. Makakatulong ang bagong morning show ng GMA 7 para maging pamilyar ang televiewers kina Bruno at Ayra.

Seen: Kung marami ang bumabatikos kina Billy Crawford at Coleen Garcia dahil ginamit nila na props sa prenup pictorial ang mga katutubo ng Ethiopia, marami rin ang nagtatanggol sa dalawa na hindi nag-post ng mga kontrobersyal na larawan sa kanilang mga social media account.

Scene: Spotted sa Wanderland Music Festival sa Filinvest Alabang noong Sabado, March 10, sina Coleen Garcia, Billy Crawford, Jake Cuenca, James Reid, Nadine Lustre, Louise delos Reyes, Andrea Brillantes, Bela Padilla, Inigo Pascual, Maris Racal, at Ria Atayde na bumabalik ang weight problem.

Seen: Crowd favorite si Catriona Gray sa Parade of Beauties ng Bb. Pilipinas 2018 na ginanap sa Araneta Center noong Sabado, March 10.

Scene: Kasama sa Parade of Beauties ng Bb. Pilipinas 2018 ang reigning queens na sina Rachel Peters, Mariel de Leon, at Chanel Olive Thomas. Wala na ang beauty queen aura ni Rachel dahil napapansin na ng mga tao na matangkad lamang siya pero hindi striking ang  ganda niya.

Seen: Special guest si Nora Aunor sa Lenten presentation ng Eat Bulaga. Nakipagtagisan ng pag-arte sina Ryzza Mae Dizon at Pia Guanio kay Nora dahil sila ang featured stars sa episode na mula sa direksyon ni Ricky Davao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with