^

Bansa

CJ Sereno pinasasagot sa quo warranto petition

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
CJ Sereno pinasasagot sa quo warranto petition

Sa isinagawang en banc session ng Supreme Court, inatasan si Sereno na maghain ng paliwanag o komento sa loob ng 10 araw. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinagkokomento na ng Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na ang layon ay ideklarang imbalido o walang bisa ang kanyang pagkakatalaga bilang chief justice.

Sa isinagawang en banc session ng Supreme Court, inatasan si Sereno na maghain ng paliwanag o komento sa loob ng 10 araw.

Sa ilalim  ng quo warranto petition, sinabi ni Solicitor General Jose Calida  na kuwestiyonable ang appointment ni Sereno dahil sa kabiguan nitong magsumite ng kanyang Statement of Assests Liabilities and Networth (SALN). 

Naninidigan si Calida na nilabag ni Sereno ang ilang probisyon ng Konstitusyon sa hindi pagsusumite ng kinakailangang SALN. 

Ayon kay Calida, bagama’t isang impeachable official ang punong mahistrado, may kapangyarihan din ang OSG na kuwestyunin ang appointment ni Sereno alinsunod sa ilalim ng konstitusyon at ng Rule 66 ng rules of court.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with