^

Metro

Parak ‘dawit’ sa pagkapaslang sa 13-anyos, sumuko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kusang nagtungo sa Manila Police District-Homicide Section ang isang miyembro ng Smokey Mountain-Police Commu­nity Precinct (PCP) matapos siyang tukuyin na nag­paputok ng baril nang sawayin ang makukulit­ na tambay sa gilid ng slaughterhouse noong Biyernes ng gabi (Marso 2).

Nasa kustodiya nga­yon ng MPD-Homicide Sec­tion si PO2 Omar Malinao Formentera, naka­talaga sa Smokey Mountain PCP, ng MPD-Station 1 para sumailalim sa inte­rogasyon habang ang isi­nukong 9 mm service firearm Glock ay isinaila­lim na sa ballistic para ala­min kung ang bala nito ang nakuha sa katawan ng nasawing si Aldrine Pineda, 13 anyos, grade 6 pupil at residente ng Unit 309 Building 8, Ka­tuparan, Vitas, Tondo, May­nila.

Gayunman, pansa­man­talang hindi pa itinu­turing na suspek si PO2 Formentera, ayon kay Chief Inspector Rommel Anicete, hanggat hindi pa lumalabas ang resulta ng eksaminasyon sa baril at paraffin test.

Nang araw na maganap ang insidente ay na­katalaga bilang area police security sa nasabing lugar ang pulis at nagmo­monitor din umano sa mga intru­der na nagnanakaw ng bakal.

Nabatid na may dalawang lalaki na nang-aasar  sa nagpa-flashlight na la­laking nagse-secure sa lugar habang nakaupo naman sa konkretong bakod ang biktima nang biglang may umalingaw­ngaw na putok kaya napa­tayo ang bata at doon na siya tinamaan ng bala sa tiyan.

Nagawang makapagsumbong sa ina ng bata na nagsugod sa kaniya sa pagamutan subalit bigo nang maisalba.

Kasama ni PO2 Formentera ang kaniyang PCP commander na si Se­­nior Ins­pector Dave Abarra nang magtungo nitong Sa­bado ng hapon sa MPD headquarters.

Madilim umano ng ga­bing iyon kaya may hawak na flashlight ang pulis at nadapa pa ito kaya pumu­tok umano ang baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with