^

Probinsiya

Mister, dalaga utas sa road mishap

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang patay sa magkahiwalay na aksidente sa North Cotabato at Davao del Sur, ayon sa pulisya.

Batay sa ulat, unang nasawi ang isang 47-anyos na lalaki makaraang masangkot sa aksidente sa Brgy. New Panay, Tulunan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Amado Torrato Taladro na residente ng Purok 8, Brgy. Sibsib nang nasabing bayan.  Batay sa ulat ni PO3 Jahny Dela Fuente, lulan ang biktima ng kanyang Bajaj CT 100 na motorsiklo kamakalawa alas-5:00 ng hapon, at habang tinatahak ang daan papunta ng Brgy. La Esperanza ng naturang bayan nang mag-over-take ito sa isang kulay pulang Fuso Truck gamit ang kabilang lane at mabundol nito ang isang ligaw na aso.

Tumilapon sa lane na tinatahak ng Fuso Truck ang motorsiklo kung saan nawasak ito habang ang drayber naman ay nasagasaan ng trak na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Boluntaryo namang sumuko sa otoridad ang driver ng trak na si Tomas Faisan 28-anyos at residente ng Brgy.  Nabundasan.

Samantala, dead-on-arrival sa ospital ang isang backrider ng Makilala North Cotabato matapos itong mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Poblacion 1, Bansalan, Davao del Sur.

Ang biktima ay kilalang si Jona Mae Edaño Domingo, 23-anyos, residente ng Sitio Maligaya Barangay Saguing Makilala, North Cotabato.

Ayon sa pulisya, habang papauwi ang biktima dakong-10:00 ng Sabado ng gabi sakay ng motorsiklong minamaneho ni Lasser Gallentes na residente ng Buene Vida Makilala nang mahulog ito mula sa motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na Ford Ranger.

Dinala pa sa ospital si Domingo pero hindi na ito umabot nang buhay pa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with