Tserman itinumba sa harap ng bahay
MANILA, Philippines — Isang barangay chairman na si Mario Valdez Sulit ang pinagbabaril at napatay ng isang lalaki sa harap ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Hugom, San Juan, Batangas.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay papasok na ang biktima sa gate ng kanilang bahay nang biglang sumulpot sa lugar ang hindi pa nakilalang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.
Nang bumagsak ang biktima ay agad na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Dalawang anggulo ang sinisilip na motibo sa krimen una ay pulitika kaugnay ng nalalapit na halalan sa Brgy. at Sanggunian Kabataan sa Mayo ng taong ito at personal na alitan.
- Latest