^

Pang Movies

Remake ng Pare magiging Walwalan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naiyak ang aktres na si Maricel Laxa nang ipagpaalam ni direk Joey Reyes ang anak na si Donny Pangilinan upang maging isa sa lead actors ng barkada film na Walwal kasama sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Kiko Estrada. Isa si Maricel sa favorite lead actresses ni direk Joey nu’ng hindi pa siya Mrs. Anthony Pangilinan. Eh unang sabak din sa pag-arte ni Donny kaya kabado si Maricel.

“Imagine, apo ko na si Donny kung tutuusin! Ninong ako sa kasal nina Maricel at Anthony! Kelan nga ba ‘yon? Ha! Ha! Ha!” bulalas ni direk Joey sa look test ng cast ng Walwal after ng storycon kahapon sa Valencia Events Place.

Matagal nang balak gumawa ni direk Joey ng bagong edition ng iconic movie niyang Pare Ko. Eh sumakto sa kanya ang ginawang story ng isa niyang estudyante sa La Salle kaya nagustuhan niya ito.

“It’s a growing up movie about four friends since high school and now they’re on the second year college and about the dilemma they face,” pahayag ni direk Joey sa look tests ng apat na young actors.

 “I wanted to work with Donny at masaya ako na nabigyan ako opportunity on his very first movie. Nu’ng kinausap ko si Maricel, actually, umiyak si Maricel. Diyos ko, dinidirek ko na ang anak niya. Para na akong 200 years old! Ha! Ha! Ha!

“Si Kiko kasi bagay na bagay kay Kiko ‘yung role. I’ve worked with Kiko before. Kuwento ni Kiko siya ‘yung palit nang palit ng course. Hindi niya alam kung ano ang kukunin. And then, fuck boy siya. Kahit ano, basta nakapalda, papatusin niya! Then he gets a girl pregnant from one night stand.

“Si Elmo, siya ‘yung sinusunod ang gusto ng magulang. Sinundan niya ang gusto ng magulang na mag-law siya. Pero ang talagang hilig niya, graphic arts or multimedia. Walang love interest dito si Elmo kaya ‘yung tweet nang tweet sa akin na Janella (Salvador)-Elmo, wala. Wala siyang love interest.

“Si Jerome, siya ‘yung drama. Siya ng pinakamahirap sa magkakabarkada. Nanay niya, laos na bold star.

“Si Donny, filmmaker. Ang dream niya, the next Brilliante Mendoza. Ginagaya niya ang style ni Brilliante. Pero walang nakaka-appreciate sa pelikula niya except sa isang classmate niya.

“This is my updated version of Pare Ko. I’ve been wanting to do another Pare Ko but this time, using contemporary kids. Pati music, galing sa estudyanye. Gusto kong gumawa ng youth movie na hindi rom-com. Na hindi lang defined by love!” paliwanag ni direk Joey.

Bago simulan ang Walwal, ipalalabas na din ang natapos niyang Regal movie na Recipe For Love na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Wadell.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with