^

Metro

MMDA traffic enforcers, aarmasan ng baton

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aarmasan ng baton ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang mga traffic enforcer sa pagdisiplina at panghuhuli ng mga pasaway na mga motorista na lumalabag sa batas trapiko.

Ang 200 pirasong baton,  ang tinanggap ni MMDA Chairman Danilo Lim mula  sa isang negosyanteng si Jaime Dichaves sa kanilang flag raising, kahapon ng uma­ga sa tanggapan ng ahensiya sa Makati City.

Nabatid na ang mga baton ang magiging armas ng mga traffic enforcer ng MMDA na na­kalagay ito sa kanilang likuran.

Gagamitin nila ito sa panghuhuli at sa mga motoristang nagbabalak na manakit sa kanila kapag hinuhuli nila ito.

“I think it is time that our enforcers are armed with this, imbes na iyong ticket lang,” ani MMDA general manager  Jojo Arturo  Garcia.

Nabatid na sasailalim   ang mga enforcer sa short course  training para sa pagtatanggol nila sa sarili.

Ngunit, nilinaw ni Garcia, na paiiralin pa rin ng kanilang mga traffic enforcers ang “maximum tolerance” sa panghuhuli sa mga violator.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with