^

Pang Movies

Fight For My Way magpapakilig na ngayong Lunes

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabalik-Kapuso sina Park Seo Joon ng Pretty Woman at Kim Ji Won ng Descen­dants of the Sun dahil bibida sila sa nakakakilig at relatable na Korean drama na Fight For My Way simula Lunes, Pebrero 19.

Iikot ang kuwento ng top-rating Korean drama sa buhay ng apat na magkakaibigang sina Johann (Park Seo Joon), Ara (Kim Ji Won), Bobby (Ahn Jae Hong), at Liza (Song Ha Yoon). Lumaki silang magkakasama at sabay-sabay din nilang hinaharap ang mga problema at kabiguan sa kanilang pangarap.

Isang sikat na atleta ng Taekwondo noong kabataan niya si Johann, pero kinailangan niyang isakripisyo ang pangarap para tustusan ang panga­ngailangan ng kapatid niyang maysakit. Hindi naman umalis sa kanyang tabi ang best friend na si Ara kahit siya mismo ay nahihirapang tuparin ang pangarap na maging TV announcer. Ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Bobby at Liza ay masaya namang namumuhay nang magkasama, pero dahil sa mga personal na problema ay malalagay sa alanganin ang kanilang relasyon.

Makatulong kaya ang mga pagsubok na ito sa kanilang pagkakaibigan o mas maging dahilan ito ng hindi pag-abot sa kanilang mga pangarap? Sundan ang kanilang kuwento mula Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng The One That Got Away sa GMA Telebabad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with