^

Metro

85% ng mga nadismis na pulis, problemado sa pamilya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walumpu’t-limang porsi­yento sa mga pulis na nadismis sa serbisyo ay  problemado sa kanilang mga pamilya.

Ito ang isiniwalat ni NAPOLCOM Vice Chairman at Exe­cutive Officer Roge­lio Casu­rao sa pagbisita nito sa Camp Crame kahapon.

“Sa ating mga kapulisan kung anuman ang ipinapakita nila ngayon sa serbisyo, ito’y salamin kung anong klaseng pamilya ang pinanggagali­ngan nila”, ani Casurao.

“Karamihan, kapag ang pulis ay nasasangkot sa hindi tamang gawain, when you look back, when you trace back, ma­­kikita mo somehow  na nagkaroon ng problema ang pamilya niyan”, saad pa ni Casurao na iginiit na lalo na umano sa mga nasangkot sa droga.

Sa tala, simula nitong nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan ay umaabot sa mahigit 300 pulis ang nasibak sa serbisyo kaugnay ng pagkakasangkot sa samut-saring mga katiwalian.

Binigyang diin ni Casurao na dahil dito ay dapat na pa­la­kasin ang pamilya ng mga pulis upang maging maayos ang pagtupad nito sa tungkulin.

Sa panig naman ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, aminado ito na ka­ramihan sa mga nag-AWOL (Absence Without Official Leave) at maging mga naligaw ng landas ay dumanas ng matinding problema sa kanilang mga pa­milya.

Idinagdag pa nito na kabilang sa mga problema ng mga nadismis na pulis ay kulang sa pera, kaya nag-AWOL habang ang iba pa ay nalulong sa masamang gawain.

Dahil dito, sinabi ni Bula­lacao na isasailalim nila sa counseling ang kanilang mga pulis kaugnay ng “emotional up­liftment at psychological enhancement”.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with