^

Kutob

Pebrero 05, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may hihingi ng payo tungkol sa pag-ibig o personal na suliranin. Malaking tulong ang maidudulot ng isang Taurus. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Huwag sumuko kaagad. Magtimpi at magtiyaga sa pagharap ng pagsubok. Alalahaning hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan mahihirapan muna bago makamit ang gusto. Sa hirap at pagsisikap ang kapalit ay tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay, subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag labis na pagtuunan ng pansin ang isang bagay dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa katuparan ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaaring sa sobrang pagpansin sa isang bagay ay may makalimutan kang mahalagang bagay. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masasakit na salita sa tahanan dahil maiirita ka. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang bulkan sasabog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo dahil magugulat ka na lamang kung paano ito nakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Nasa landas ang kaunlaran kung patuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Tiyakin na may kakayahan kang pamunuan ang lahat ng dapat isaayos. Sa kabila ng kalituhan mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol ng mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 663, 42 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain ng makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang opotunidad na darating. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka roon ng walang sagabal. May mga dapat kang alamin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan ng matutunan. Hindi man lubusang maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Marami kang dapat pag-aralan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi nauunawaan ng lubusan dahil magsasayang lamang ang oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangiang taglay kaya ito ang pagtuunan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang halaga at pansin ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa iyo, hanapan ng paraan para makamit ang nais. Gawin ito sa malinis na paraan. Huwag manira ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with