^

Pang Movies

Alden pang-farewell ng mga lola

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Final episode na pala today, February 2 ng The Lolas’ Beautiful Show na tinatampukan nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo). Ang huli nilang guest ay ang apo raw nilang si Pambansang Bae Alden Richards. 

Matatandaang nagsimulang gumanap na lola ang tatlo kina Alden at Maine Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong July 16, 2015. Kinilala at nagustuhan sila ng fans here and abroad. Nagsimula silang mapanood sa talk show last September 25, 2017 bago ang Eat Bulaga Mondays to Fridays.

Kiko nanay ang ka-date sa Araw ng mga Puso

Third wheel si Kiko Estrada sa ElNella (Elmo Magalona at Janella Salvador) love team sa Valentine’s Day offering ng Regal Films, ang My Fairy Tail Love Story kaya natanong ang young actor noong grand presscon kung naba-bash na siya ng fans ng magka-love team na very protective raw sa kanilang mga idolo.

“I don’t know, hindi ko po alam dahil wala naman akong Twitter at Facebook sa social media, meron lamang akong Instagram account,” sagot ni Kiko.  

Sa movie, na ang screenplay ay isinulat nina Jun Robles Lana at Denoy Navarro-Punio, si Kiko ay si DJ Ethan na akala ni Chantel (Janella) ay siyang makapagpapabalik sa kanya mula sa pagiging sirena at maging tao muli.

Dahil loveless si Kiko, ang personal date raw niya sa Valentine’s Day ay ang Mama niya (Cheska Diaz) at manonood lamang sila ng movie at pagkatapos mag-dinner.

After nga ng break-up nila ni Barbie Forteza, wala nang naging ibang girlfriend si Kiko at mas hinarap daw niya ang work. Wala pa siyang bagong project sa GMA, pero may ilang movies siyang ginagawa ngayon, isa nga rito ay ipu-produce ng manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV Productions. Kung sakali ba, at may bago siyang drama series tulad ng huli niyang ginawa na Sinungaling Mong Puso with Rhian Ramos, sino ang gusto niyang makatambal sa susunod?

“Kung sino po ang ibigay sa akin ng GMA, hindi ko po masyadong kilala ang iba pang actresses sa GMA pero nagagandahan po ako kay Sanya Lopez, napapanood ko siya minsan sa Haplos at nakikita kong bukod sa maganda, mahusay siyang umarte. Gusto ko na rin pong magkaroon ng bagong series, gustung-gusto kong umarte.”

Mel Tiangco hindi nagbabago ang pakiramdam sa Kapuso

Muling nag-renew ng kontrata si Ms. Mel Tiangco sa GMA Network. Ayon kay Mel, sa loob ng more than 20 years niya bilang Kapuso Network, kung ano raw ang naramdaman niya nang una siyang pumasok sa premises ng GMA ay ganoon pa rin ang nararam­daman niya hanggang ngayon dahil mababait ang colleagues niya.  

Ayon naman kay Atty. Felipe L. Gozon, si Mel daw kasi ang puso ay para sa Kapuso Foundation, kaya nagpapasalamat siya na muling nag-renew ng contract sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with