^

Pang Movies

Magaling na aktor na nabigyan ng puwesto sa gobyerno, ayaw nang tapusin ang nasimulang pelikula

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Keri na pala ng isang magaling na aktor ang mawalan ng regular na trabaho sa TV. Nabalitaan kasi naming nabigyan pala siya ng isang magandang puwesto sa gobyerno at malaki ang suweldo at allowance, huh!

Matagal ding nawala sa showbiz ang aktor at nitong nakaraang taon ay nagbalik-showbiz siya. Eh, madalang ang dating ng trabaho dahil lumapad ang katawan niya although nandoon pa rin ang husay sa pag-arte.

Wala namang balitang corrupt siya. De­dicated nga siya sa posisyon. Halos malimutan na nga niya ang showbiz dahil sa regular na office work.

‘Yun nga lang, may naiwan pala siyang shooting days na kanyang nasimulan na pelikula bago na-appoint. Tinawagan siya ng production para ma-schedule ito ngunit tumanggi agad ang aktor dahil hindi raw siya pwedeng mag-absent sa work.

Dito na nagpantig ang tenga ng production head na kaibigan pala ng aktor. Kinunsensiya ito ng head at ipinaalala noong panahong nagpapatulong ang aktor magkatrabaho.

Nagbago ang ihip ng hangin at nagbigay ng schedule para sa shoot ang aktor, huh!

‘Di raw racist, Robin kinampihan ng briton sa pagiging makabayan

Isang British national ang kumampi sa pagiging patriotic ni Robin Padilla. Nagbigay ng sulat ang Briton na naglalaman ng suporta niya kay Binoe kung saan inilabas ‘yon ng Action King sa kanyang Instagram pati na picture ng fo­reigner na Malcolm ang nakalagay na pangalan sa sulat.

Napanood ni Malcolm ang episode ng reality talent show kung saan isa sa judges si Robin na kinakastigo ang hindi pagsasalita ng Tagalog ng Koreanong sumali bilang magician. Sa puntong ito humanga si Malcolm sa pagmamahal ni Binoe sa Pilipinas.

Lahad ng Briton, mahal niya ang Pilipinas at kung meron s­iyang pangarap ay maging Filipino citizen and at the same time, maging British din. Hindi siya solved sa sagot ng Koreano na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog dahil sa international school siya nag-aral dito.

“To me, this is not really an excuse. If you have grown up in the Philippines and clearly called Philippines your home, you should at least make and effort to learn the language,” bahagi ng sulat ng Briton.

Higit na tumatak kay Malcolm ang ipinamalas na pagmamahal ni Robin sa Pilipinas.

“You are an incredible ambassador for the country and a much loved icon on Philippine ci­nema. Thank you also so much for supporting Pre­sident Rodrigo Duterte who like yourself loves the Philippines and her people very much.

“You were never racist at all, as some Filipinos have claimed, in fact I truly wish others were able to be outspoken and stand up for their beliefs in a very clear and passionate manner.

“Mabuhay ka sir at maraming salamat po.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with