^

PSN Showbiz

Babaeng nakakakita sa anino ng kamatayan pumatok!

Pilipino Star Ngayon
Babaeng nakakakita sa anino ng kamatayan pumatok!

MANILA, Philippines — Wagi ang pinakabagong Asianovela ng ABS-CBN na Black matapos tutukan ng mas maraming manonood ang pag-uumpisa ng nakaka-hook na Korean fantasy thriller at pumalo sa national TV rating na 11.3% base sa datos ng Kantar Media.

Binuksan ng serye ang kanilang mahiwagang mundo sa karakter ni Sarah, isang babaeng nakakakita ng anino ni kamatayan sa mga taong patapos na ang oras sa mundo.

Naging matensyon agad ang episode nang umeksena si Sarah sa loob ng isang eroplano. Palipad na dapat ito nang nakita ni Sarah ang napakaraming anino – pagbabadya na lahat ng nakasakay dito ay mamamatay na.

Aakusahan siyang terorista na may kaugnayan sa pagbagsak ng eroplano at idedetena sa isang presinto kung saan nakilala niya si detective Marlon Han.

Bumuhos ang papuri ng netizens sa Black sa unang gabi nito kaya naman trending topic ito sa Twitter nationwide.

Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, papayag na si Sarah na gamitin ang kanyang kakayahan para matulungan si Marlon na sumagip ng buhay. Makikilala niyo na rin kung sino si grim reaper 444. Paano nga ba magkukrus ang mga landas nila?

Huwag palalampasin ang pinakabagong Asianovela na Black, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Good Son sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with