^

Punto Mo

EDITORYAL - Hanggang kailan magtitiis ang commuters ng MRT?

Pang-masa

UNANG araw ng 2018, tumirik agad ang Metro Rail Transit (MRT-3) sa Guadalupe Station. Walang nagawa ang mga kawawang commuters kundi bumaba at lumipat sa ibang train. At sa kabila ng mga aberya, dedma lang ang mga namumuno sa MRT na tila walang balak pagandahin ang serbisyo sa libu-libong commuters na umaasa rito.

Kaya marami sa commuters ngayo na bago su­mampa sa train ay dumadalangin na huwag mag­kaaberya para naman maayos at ligtas silang makarating sa patutunguhan. Wala silang magagawa kundi magdasal sapagkat wala ngang ginagawang epektibong hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para lubusang maisaayos ang MRT. Sa halip na gumanda ang serbisyo, lalo pang sumama.

Noong nakaraang taon, mahigit 500 beses na nagkaaberya ang MRT at nagpapatuloy hanggang ngayon. Problema ang maintenance provider Busan Universal Rail Inc. sapagkat sa kabila na napakamahal nitong singil sa pagmimintina ng MRT, sunud-sunod ang aberya gaya nang pagtirik, pagbubukas ng pinto habang tumatakbo, umuusok ang bagon, pagkalas ng bagon, nag-oovershoot sa station at marami pang glitches. Tinerminate na ang kontrata ng Busan noong Nobyembre at ang gobyerno na lamang ang nag-take over sa pagmintina. Pero walang pagbabago sa MRT at  lalo pa ngang sumama sapagkat madalas ang pagtirik.

Kailangan pa bang ang Presidente ang mag-utos sa DOTr na gumawa ng aksiyon sa halos araw-araw na aberya sa MRT. Hindi ba’t ang Presidente na rin ang nagsabi na ayaw niyang mahirapan ang taumbayan. Bakit itong problema sa MRT ay ayaw solusyunan. Kung kailangang itigil ang operasyon ng ilang araw para maisaayos ang pagkasira, bakit hindi gawin. O kumuha nang mapagkakatiwalaang maintenance service provider. O kailangan pang may gumulong na ulo para magtuluy-tuloy ang biyahe ng MRT? Tutal naman at sunud-sunod ang sinisibak ni Digong, bakit hindi magsampol sa MRT? Kung ito ang kailangan para maisaayos ang MRT, gawin ng Presidente. Bigyang lunas ang hirap na dinaranas ng libong commuters.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with