^

Pang Movies

Pasabog!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Last year, medyo nanahimik ang magka-loveteam and real couple na sina James Reid at Nadine Lustre, after ng kanilang teleseryeng Till I Met You.  Pero bago iyon, inamin na nga nilang sila nang dalawa sa kanilang first major concert noong February 2016.

Kaya nagkaroon lamang sila ng concert tour abroad at noon din dumanas si Nadine ng depression sa ilang pangyayari sa buhay niya. Pero hindi siya iniwan ni James, pagtatapat ni Nadine sa presscon ng kanilang second major concert na Revolution sa Smart Araneta Coliseum on February 9, 2018.

“I feel very blessed as a loveteam and as a couple, at ang daming nagbago sa akin because of him,” pagtatapat ni Nadine. “Dito rin namin nabuo ni James na mag-concentrate muna in our music. Iyong music video niya, ako ang nagdirek. Ever since po naman ay pangarap ko na talagang magdirek kaya I took up films. At siguro po ay mas magiging dito ang focus ko.”

“Magiging busy na rin kami ni Nadine dahil itutuloy ko na ang pagiging songwriter ko at producer ng aking Careless Music Manila,” sagot naman ni James. “Our label has produced na ng first single ni Nadine sa first music album niya, but untitled yet.”

Ang concert ay magpaparinig ng mga love song na ilan nga ay sariling compositions ni James, like Bahala at Para-Paraan at new sounds like Cool Down at IL2LU na pareho nilang ginawa.

Ang Revolution concert will be presented by Manulife, Champion, and Hot Shots. Special guest performers nila sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson at Vice Ganda  producer is Viva Live. Director naman  si Paul Basinillo, musical director si Jay Agustin at Dance Director si Teacher Georcelle.

Bago natapos ang grand presscon, tinanong sina James at Nadine kung may pasabog daw sila muli sa concert, will it be the announcement na ng wedding nila, tumawa ang dalawa at sinabing antayin na lang natin. Pero ang wish nila para sa kanilang second anniversary ay makapag-out of town or out of the country sila. At mukha namang pinagbigyan sila ng kanilang mga boss, at mas maaga pa sa ini-expect nila, dahil middle of January, lilipad na sila ng London para mag-shoot ng ilang scenes ng kanilang upcoming movie na Never Not Love You under Antoinette Jadaone na siya ring nagdirek ng On The Wings of Love.

Korean leading men ni Heart babu na ng Pinas!

Nag-shoot na ng big scene ang cast ng My Korean Jagiya dahil final week na nila simula bukas, January 8, after ng Kambal Karibal. Ayaw pang sabihin ng production cast kung ano ang big scene na kinunan pero tiyak daw na magugustuhan ng netizens na sumusubaybay kina Heart Evangelista at Korean actors Alexander Lee at Andy Ryu.

Kaya naman malungkot na si Andy dahil this week ay babalik na rin siya ng Korea dahil tapos na ang mga eksena niya. Pero natutuhan na raw niyang mahalin ang Pilipinas and he hopes na makababalik siya at magkakaroon ng ibang opportunities dito as an actor.

Si Xander ay uuwi rin muna sa Korea after the series. Pero sigurado ang pagbabalik ni Xander dahil may exclusive contract siya sa GMA Network.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with