Nadine ayaw na sa stress! JaDine kanya-kanya muna ng pelikula!
Less stress and be more relax this 2018 ang promise ni Nadine Lustre sa kanyang sarili. Dumanas din kasi ng depresyon si Nads last year dahil sa maagang pagkamatay ng kapatid na lalaki.
This coming February ay two years na ang relasyon nila. Bilang selebrasyon, handog nila sa followers nila ang concert na Revolution na gaganapin sa February 9 sa Araneta Coliseum. Take note na hindi lang concert scene ang kanilang gigibain kundi maging ang movies, huh!
Magkasama silang dalawa sa pelikula Never Not Love You at may kanya-kanya rin silang solo projects. Ginagawa ng young actress ang mga movie na romance-comedy na Ulan at horror film na The Nurse.
Si James naman, si Sarah Geronimo ang kapareha sa local adaptation ng biggest Asian movie na The Granny (20 Again) at bibida rin siya sa remake ng Pedro Penduko.
“Siyempre we also need to grow na kami lang na hindi kami magkasama as a person and as an artist as well,” rason ni Nadine.
So ano naman ang nabago sa kanilang relasyon sa loob ng halos dalawang taon?
“Ako po, marami akong pinagdaanan last year. I’ve learned that James is one of the most patient na tao na nakilala ko. ‘Yung stress, everything, I’ve gone through depression and all. Siya talaga.
“’Yung mood swings ko hindi na siya tama. Hindi na siya maganda. Hindi siya nagsasawa sa akin at hindi po siya nagagalit. Basta sobrang patient at maalaga po siya.
“And then ‘yung natutunan ko in this relationship is kung paano mag-relax. Kasi before parati akong planado. Before kasi everything is planned! Parati po akong stressed. Parati akong nagmamadali.
“Now, I am more relaxed. Mas ahhhhm...Pero mas...I forgot the word pero ‘yung depression ko is pawala na,” pahayag ni Nadine sa presscon ng concert nila.
“Actually, mas maalaga si Nadine. She’s someone I can just be myself. You don’t have to pretend.
“For me, I just wanted someone who could be my best friend. Relax around,” saad naman ni James.
This year, babawasan ni Nads ang pagiging mainitin ang ulo sanhi ng stress. Madalas nga raw na si James ang napag-initan niya.
“’Yun ang pinaka-top sa resolution ko na mag-relax. Mas maging less stressful,” sey niya.
Para naman kay James, gusto niyang matupad ang goal niyang maiparating sa tinatawag niyang next level ang music niya.
“I really wanted to bring my music to the world stage! That was really my goal this year!” deklara ni James.
Binitin nga lang nina James at Nadine ang press na sinabing abangan sa Revolution concert ang kanilang announcement, huh!
- Latest