^

Probinsiya

Ex-PSG ni Digong itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang dating Presidential Security Group (PSG) member matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa RVM Subdivision, Poblacion, Magpet, ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Ronel Galupo, 43-anyos, biyudo at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam kay P/CI Rommel Constantino, hepe ng Magpet Police, nangyari ang pamamaril alas-4:30 nitong Biyernes ng hapon kung saan papasok na ng kanyang bahay sa RVM Subdivision sa Poblacion ang biktima nang lapitan ng gunman at pagbabarilin sanhi ng agaran nitong kamatayan. Kasama ng suspek ang isa pang lalaki na nagsilbing look-out.

Si Galupo ay dati umanong miyembro ng PSG na naatasang mangalaga sa kaligtasan at seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dati rin siya’ng enlisted personnel sa ilalim ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Davao City. Nang magretiro bilang PSG, nagtrabaho si Galupo bilang security personnel ng isang private firm sa Davao City.

Umuwi lamang ang biktima sa kanyang bahay sa Magpet para dalawin ang mga anak.

Bagama’t di pa kumpirmado, pero lumalabas sa imbestigasyon ng Magpet Police na may nakaalitan ang biktima na umano’y kanyang kapitbahay sa RVM Subdivision. Gayunman, di batid ng pulisya kung may kinalaman ang alitang ito sa kamatayan ng biktima.

Sinasabing may bitbit na sling bag ang biktima na may lamang baril.

Tinangay umano ng suspek ang bag, pero ‘di naman kinuha ang minamaneho nitong motorsiklo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with