^

Pang Movies

Dennis pinaghahandaan ang dream project!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

For Kapuso Drama King Dennis Trillo, lucky ang 2018 sa kanya. Bakit nga hindi, sa pagpasok pa lamang ng bagong taon ay pasabog na ang kanilang sexy, romantic comedy series na The One That Got Away sa GMA 7. Sa rami ng mga mahuhusay na actor sa network, siya ang napili para makatambal ang tatlo sa mahuhusay at sought-after-leading ladies na sina Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins. Ito rin ang unang serye ng GMA na papasok sa 2018.

Natawa si Dennis nang biruin siya kung sino ang pipiliin niya sa tatlong leading ladies.

“Ang hirap pong pumili, kasi pare-pareho silang mahuhusay, magaganda at mga sexy,” sagot ni Dennis. 

Sa story, naging girlfriend lahat sila ni Liam (Dennis), unang girlfriend niya si Alex (Lovi), pangalawa si Darcy (Max) at pangatlo si Zoe (Rhian). Pare-pareho nilang iniwanan si Liam na isang organic farm owner na pangarap na magkaroon ng isang masaya at malaking pamilya, pero bakit nga siya iniwanan ng kanyang mga naging girlfriend? At ang magiging twist ng story, pare-pareho pang in-love kay Liam ang kanyang mga ex-girlfriend. 

Ang serye ay idinidirek nina Mark dela Cruz at Conrado Peru.

Pero kung excited si Dennis sa The One That Got Away, naglu-look-forward siya sa isang movie na gagawin this year. Ito raw ang sagot sa matagal na niyang dream project. Pero tikom pa ang kanyang bibig kung ano’ng project ito, kahit kung sino ang magpu-produce o kung magi­ging co-producer ba siya.

Kasama rin sa cast ng TOTGA ang tatlo pang leading men ng GMA na sina Ivan Dorshner, Migo Adecer, at Jason Abalos at mapapanood na simula sa January 15, 2018, pagkatapos ng Kambal Kari­bal.         

Ivan namundok kasama sina James at Nadine

Dahil sa taping ng The One That Got Away, hindi na nakauwi sa Los Angeles, California si Ivan Dorschner noong holiday season. 

Isang challenge sa kanya ang role bilang si Inigo, college friend ni Dennis Trillo na mayaman at mahilig mag-travel. First time niyang gaganap na maraming naging girlfriend na hindi raw ganoon in real life dahil one at a time lamang siya kung makipag-relasyon. Pero mai-in love si Inigo kay Max Collins, kaya magkakaroon sila ng conflict ni Dennis.

Pero after Christmas, dahil ta­ping break nila ay umakyat si Ivan ng Mount Ulap in Benguet, Mountain Province kasama ang best friends niyang sina James Reid at Nadine Lustre, 15 daw silang lahat na nag-enjoy sa pag-akyat ng bundok at naapreciate ang beauty at low temperature ng lugar. Bumaba raw lamang sila dahil kailangan na silang mag-report sa kani-kanilang projects na ginagawa.

Kahit paikot-ikot na raw, Ika-6 Na Utos hindi mapigilang pag-usapan

Malapit na rin daw magtapos ang high-rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos.  Natatawa lamang kami sa mga nagti-text na netizens na dapat ay tapusin na raw ang serye dahil paulit-ulit na lamang ang eksena. Pero nagtatanong sila kung kailan daw ba malalaman nina Rome (Gabby Concepcion) at Emma (Sunshine Dizon) ang panloloko sa kanila ni Georgia (Ryza Cenon), kasama na rin si Geneva (Angelika dela Cruz) na tinu-tolerate ang mga ginagawa ng nakababatang kapatid. Gigil na rin sila kay Selma (Ariane Bautista) na siyang nakakaalam ng lahat ng pagkakamali ng kaibigan. Sabi nga, sila ang partners in crime ng lahat ng krimen na ginawa ni Georgia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with