^

Police Metro

Opisyal ng Navy nasabugan nang pinamigay na paputok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang tinyente ng Philippine Navy ang dinala sa ospital matapos aksidenteng masabugan ng pinamigay nitong paputok sa kanilang lugar sa Sangley Point, Cavite City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinila­lang si Lieutenant Kenneth Villanueva, 38, ng Sangley Point, Cavite  at  nakatalaga sa isa sa mga tanggapan ng Philippine Navy sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang biktima ay nasabugan ng paputok sa dalawang kamay, mukha at katawan na  mabilis na isinugod sa Bautista Hospital. 

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) IV-A, bago nangyari ang insidente dakong ala-1:00 ng mada­ling araw sa Brgy. 24 Caridad, Cavite City ay lulan ang biktima ng kaniyang kulay pulang Toyota Altis (XSM 737)  at namamahagi ng mga paputok sa mga bystanders sa lugar nang mangyari ang insidente.

Ayon sa mga testigo, namumudmod ng paputok ang biktima nang sumambulat sa dalawang palad nito ang ipinamamahaging papupok.

Pinaniniwalaan namang nag-init sa loob ng unahang bahagi ng  behikulo ng biktima ang mga paputok na kanyang inipon para ipamigay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with