^

Bansa

Malamig na panahon, naitala sa Baguio

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng malamig na panahon ang Baguio City kahapon na unang araw ng bagong taon.

MANILA, Philippines — Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa),  umabot sa 12.2 degrees Celsius ang  temperatura sa  Baguio City ganap na alas-6:00 ng umaga kahapon na mas malamig kaysa sa 12.4 degrees Celsius na tempe­ratura noong Disyembre 31.

Nakapagtala naman ang Pagasa ng may 21.1 degrees Celsius  na lamig ng temperatura nitong Enero 1 ng alas-6:00 ng umaga sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila na noong  Disyembre 16, 2017 ay naitala ang pinaka-malamig na panahon sa Baguio City at Metro Manila.

Sa Baguio City,  umabot sa 11.5 degrees Celsius ang temperatura at 21.0 degrees celcius naman ang tempera­tura sa Metro Manila bandang ng alas-5 ng umaga.

Ayon sa Pagasa, magpapatuloy pa ang malamig na panahon sa bansa hanggang sa Pebrero ng taong ito dahil sa pagtutunaw ng yelo sa mga bansang nasa silangan tulad ng Japan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with