^

Punto Mo

Isla Paraiso (118)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HUMIHINGI ng tulong si Jumbo habang na­kabitin sa gilid ng hukay. Nagkamali siya ng kalkulasyon nang lumundag kaya bumagsak sa gilid. Nakahawak lang siya sa bahaging lupa na malambot pa at unti-unti nang bumibigay dahil sa bigat niya. Habang gumagalaw siya, lalong bumibigay ang lupa. Sa ilalim niya ay nakaabang ang mga ahas na sumisingasing dahil sa gutom. Galit na galit na ang mga kobra.

“Tulungan n’yo akoooo! Tulongggg!’’ Malakas na sigaw ni Jumbo.

Pero hindi kumikilos sina Alexis, Benhur at Lolo Kandoy. Nakatingin lang sila kay Jumbo.

Sabi ni Bart, kilala niya si Jumbo bilang traidor. Kapag tinulungan nila ito, tiyak na gagawa muli ng katraiduran. Hayaan na lang ito. Kapag nakaligtas siya sa pagka­kabitin, suwerte niya. Kung hindi, malas niya.

Sabi pa ni Bart, parusa kay Jumbo ang nararanasan niya. Siguro nang gawin ang pagtakas ay marami na itong balak na isasagawa sakali at makaligtas. Siguro, sabi ni Bart, ang isa sa balak nito kapag nakatakas ay gaganti sa kanya, at sa iba pa.

Kaya ang pasya ni Bart, hayaan si Jumbo sa pagka­kabitin sa gilid ng hukay.

“Tulungan mo ako, Bartttt! Tulungan mo akooooo. Pinagsisisihan ko na ang lahat! Iligtas mo akoooo…’’

Nakatingin lamang si Bart.

Wala namang imik sina Alexis, Lolo Kandoy at Benhur.

“Tulungan mo akoooo Bart! Nagsisisi na akoooo! Gawin mo akong alipin! Iligtas mo lang akoooo! May asawa at anak akoooo. Maawa kaaaa’’

Napahinga nang malalim si Bart.

“Tulungan mo akooo, Bart!’’

Humakbang si Bart papalapit sa kinaroroonan ni Jumbo.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with