^

PSN Showbiz

Dating sikat na basketbolista patung-patong ang demanda sa utang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinaigsi ng isang male perso­nality sa mundo ng palakasan ang dapat sana’y magiging mas mabunga pa niyang kinabukasan. Hindi siya nag-ingat, kinapos siya ng disiplina, kaya humulagpos sa kanyang mga palad ang dapat sana’y mas mata­gumpay niyang karera.

Kilalang-kilala siya sa mundo ng basketball. Magaling siyang maglaro, marami siyang kinakabog sa pagbubuslo ng bola, mabilis din siyang gumalaw at magpasabog ng pagsu-shoot kaya bininyagan siya ng alias na hango sa isang armas na sumasabog.

Pero ano ang nangyari sa kanyang career at sa kanyang kabuhayan? Wala na siya sa gitna ng aksiyon ngayon, bagsak ang kanyang bulsa, maraming humahabol sa kanya ngayon dahil sa kaliwa’t kanan niyang pagkakautang.

Kuwento ng isang source, “Ang sinisisi ng iba, e, ang wife niyang masyado raw magastos. Kung anu-ano raw ang binibili ng girl na hindi naman kailangan talagang pagkagastusan, pero ginagawa niya, para bonggang-bongga siya kapag magkakasama sila ng mga misis ng mga co-players ng mister niya.

“Di nga ba, madalas din silang nakikitang nagka-casino? Kahit may laban kinabukasan ang player, e, inuumaga sila sa sugalan, kaya hindi siya gaanong nakade-deliver sa game ng team nila?

“Nahila na rin ang mga sasakyan nila, isa na lang ang natira, kung bakit naman kasi yumakap agad sila sa granatsa, e, hindi pa naman nila kaya?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May matinding problema ngayon ang kilalang sportsman dahil hindi na makapaghintay ang kanyang mga pinagkakautangan. Maraming haharaping kaso ang male personality, silang mag-asawa, dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang mga pampinansiyal na kompromiso.

“Nanghihinayang ako du’n sa player dahil napakasimple lang niya. Palibhasa, e, galing sa hirap, probinsiyano, mababaw lang ang kaligayahan niya. Ewan kung sino ang nang-impluwensiya sa kanya sa pagbibisyo.

“E, ang mga basketball players pa naman, lakas ng pangangatawan ang puhunan nila sa trabaho nila. Kapag humina na ang katawan nila, kapag hindi na sila pinakikinabangan ng team, tsugi na sila!

“Sa kapupuyat sa casino, bumabagsak ang katawan ng player, kaya ayun, tanggal na siya sa original niyang team kung saan siya nakilala. Sinalo siya ng isa pang team, pero hindi rin siya nagtagal, kumupas na kasi ang galing niya sa pagti-three points!

“Sayang na sayang siya, kaya pa niyang makipagbalyahan kundi niya kinambalan ng bisyo ang galing niya. Ayan tuloy, wala nang laman na pulbura ang armas niya, ayaw nang sumabog!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Maine kinain ang pinagsasabi sa open letter!

Sabi’y babalik na sa Bagong Taon sa Eat… Bulaga! si Maine Mendoza. Kalokohan lang ang kuwentong kumakalat na lilipat na siya sa ABS-CBN, imposib­leng mangyari ‘yun, hindi rin totoong hindi na siya babalik sa harap ng mga camera.

Nagbakasyon lang daw si Maine, ayon sa kanyang manager, sinamantala lang daw ng Dubsmash Queen ang pagkakataon para siya makapagpahinga pagkatapos magtrabaho nang dire-diretso.

Pero bakit ganu’n? May mga miyembro ng AlDub Nation na gusto na siyang pagpahingahin nang habampanahon?  Nireresbakan siya ngayon ng mga nasagasaan niyang fans sa pagsasabing ayaw na niyang magpa­ dikta sa mga taong akala niya’y mahal siya pero gusto lang naman pala siyang diktahan at hawakan sa leeg.

Sabi ng nabasa naming komento, “Uy, babalik na pala si Bagang? O, akala ko ba, e, ayaw na niya sa buhay na magulo, pero bakit babalik pa siya? Bakit hindi na lang siya magpahinga forever?

“Ayaw na raw niya sa mundong wala siyang freedom, pero bakit babalik pa siya? Pasulat-sulat pa siya, pa-open-open letter pa siya, e, kakainin din naman pala niya ang mga sinabi niya?” sabi ng isang miron.

Walang pamimilian si Maine Mendoza kundi ang kainin ang mga komentong negatibo na ibinabato sa kanya sa social media. Hindi lahat ay umaayon sa kanyang paninindigan, meron ding mga kumokontra, kaya kailangan niyang magpakatatag.

Isang katotohanang lumutang ay patuloy ang kasikatan ni Alden Richards kahit wala siya. Kayang mag-isa ng Pambansang Bae, kaya nitong mamayagpag nang walang ka-loveteam, sa totoo lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with