Mga kanta ni Matteo sapul ang tatay at nanay ni Sarah!
MANILA, Philippines — Plakado sa meaning ang sampung kanta sa bagong album ni Matteo Guidicelli na tiyak na kakantahin niya sa kanyang upcoming concert titled Hey Matteo.
Marami ang naintriga nang magpa-sample si Matteo sa presscon na ginanap sa B Hotel kahapon. Unang kinanta ni Matteo ang 10,000 days, sumunod ang Huwag Ka Nang Umuwi, at Hey. Pagbubuking ng singer-actor, lahat ng kanyang kinanta ay inspired by real-life events na nangyari sa kanya. By the title itself, ang pangalawang kinanta ni Matteo ay tungkol sa isang tao na ayaw niya munang pauwiin dahil gusto niya pa itong makasama nang mas matagal. Hindi man direktang sinabi ni Matteo kung sino ang tao na ito, halatang ang girlfriend na si Sarah Geronimo ang kanyang tinutukoy.
May pagka-pop rock naman ang genre ng kanta niyang Hey and the lyrics goes like, “Hey yo hey yo!
Mawalang galang na po
Huwag niyo naman siyang pipigilan na ibigin ako
Seryoso na ‘to
Walang halong biro
Kung gusto nyo ay simulan nating muli ang lahat ng ito
Hey yo, hey yo!
Puwede po bang pagbigyan na ipakita
Ang pag-ibig sa kanya na walang duda
‘Di siya pababayaan siya’y aalagaan”
Maraming naaliw sa kantang iyon ni Matteo. Mayroon pa ngang linya na “pakibaba na ang inyong shotgun” pero ayon sa aktor, wala naman dalang shotgun ang Daddy Delfin at Mommy Divine ni Sarah kapag dumadalaw siya. Ang said song daw ay para sa millennials at ayon kay Matteo, iginagalang daw niya ang old generations kung may pagkaistrikto ang mga ito.
Samantala, sinagot din ni Matteo ang isyung gamit na gamit si Sarah sa tuwing may ipino-promote siya.
“I’m used to it. The thing is, I’m not gonna be affected because I know the truth of what I’m doing,” sey niya.
Sinasagot lang daw niya ang mga tanong sa kanya tungkol kay Sarah dahil everytime nga naman na may presscon siya, hindi maiwasang hindi matanong sa kanya si Sarah.
Itinanggi rin ni ?Matteo na nagsu-solo na ngayon ang girlfriend. Sa kanilang bahay pa rin daw umuuwi si Sarah at hindi sa sariling condo.
Guest sa Hey Matteo concert na gaganapin sa Kia Theater on November 30 sina Loonie, Morissette Amon, Keana Valenciano, Martin Nievera, at ilan pang surprise guests.
- Latest