^

PSN Palaro

Irving itinakas ang Celtics vs Hawks

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA-- Bumandera si Kyrie Irving sa paraan na alam niya.

Umiskor si Irving sa lahat ng sulok ng court at tinulungan ang kanyang mga teammates para makaiskor at ihatid ang Boston Celtics sa 110-107 panalo laban sa Hawks.

Tumapos si Irving na may 35 points at 7 assists, habang nagdagdag si Jayson Tatum ng 21 markers para sa pang-siyam na sunod na panalo ng Celtics.

Ang three-point shot ni Irving sa right wing ang nagbigay sa Boston ng 104-103 abante-- ang ika-25 lead change ng laro  sa huling 1:37 minuto ng fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Atlanta.

Umiskor naman si Dennis Schroder ng 23 points para sa Hawks, nahulog sa 2-9 record matapos ang two-point win laban sa Cavaliers sa Cleveland.

Itinaas naman ng Celtics ang kanilang 9-2 baraha tampok ang kanilang longest winning streak sa nakaraang pitong taon.

Humakot si center Al Horford ng 15 points, 10 rebounds at 9 assists para sa kanyang best game laban sa Hawks kung saan niya inubos ang unang siyam na seasons, bago umalis at maging free agent sa nakaraang season.

Ito ang unang 30-point game ni Irving bilang player ng Boston na tinampukan ng kanyang mga matitinding dribbling talent.

Bumandera si Irving sa inihulog ng 16-2 bomba sa third period na nagbigay sa Celtics ng seven-point lead.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with