^

Metro

3 tinarakan ng mag-utol, kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan ang tatlong lalaki makaraang pagsasaksakin  ng kainuman nilang magkapatid, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina Genel Dela Cruz, 26; Villarico Estacio, 38, kapwa ng R. Domingo Street, Brgy. Tangos; at si Kenjie Bernabe, 23, ng Masipag Street, Brgy. Tanza, ng naturang lungsod.

Nakatakas naman ang magkapatid na suspek na sina Ron Conrad Rodelas, 27; at Emmanuel Rodelas, 28, kapwa mangingisda at naninirahan sa R. Domingo Street, Brgy. Tangos.

Sa ulat, masayang nag-iinuman ang grupo dakong alas-5:30 ng hapon sa may R. Domingo Street nang sunduin na si Ron Conrad ng kanyang kapatid na si Rizette. Nagtalo ang dalawa hanggang sa sampalin ng lalaki ang kapatid niyang babae.

Dito tinangkang umawat ni Dela Cruz ngunit minasama ito ni Ron Conrad na nagbunot ng patalim at undayan siya ng saksak kung saan tinamaan siya sa kaliwang bahagi ng dibdib.  Umawat rin si Bernabe ngunit nasaksak rin siya sa sikmura. Makikialam rin sana si Estacio nang siya naman ang saksakin ni Emmanuel sa kanang braso gamit ang basag na bote ng alak.

Agad na tumakas ang magkapatid na Rodelas matapos ang pananaksak.  Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 ngunit bigo na madakip ang dalawang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with