^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian nagmamadali na sa kalaro ni Zia!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pati pala ang mommy ni Dingdong Dantes at mommy ni Marian Rivera ay naghihintay na ring masundan ng kapatid si Baby Zia.

Napapangiti si Dingdong na nagkuwento sa amin sa presscon ng Seven Sundays na gustung-gusto na raw ng dalawang lola na may kasunod na apo na.

“Kasi yung mommy ko, lately kasi nitong nakaraang dalawang buwan araw-araw kami… si Marian may taping, ako naman may shooting, ang nag-aalaga mommy ko saka ang mother-in-law ko si Mama Amy.

“Siyempre nakikita nila si Zia nagla­laro at alam nilang gusto na ng kalaro. So, siyem­pre naghihintay na rin sila ng kapatid.”

Kaya kung sakaling mabuntis daw si Marian habang may Super Ma’am,  ma­isasantabi ang trabaho dahil mas ma­­halaga raw ang pamilya siyempre.

“Hindi mo talaga mapaplano eh. Siguro bahala na kung ibibigay,” pakli ni Dingdong.

Magkakaroon ng celebrity premiere nga­yong ga­bi sa Robinson’s Magnolia ang Seven Sundays na susuportahan siyem­pre ni Marian at ng buong pa­milya ng mag-asawa, pati ang mga kapatid ng aktor ng PPL Entertainment.

PAK: Lumabas na raw ang tunay na kulay ng ina ng matangkad na young actor da­hil kumikita na ang kanyang anak.

Nung nagsisimula pa lang si young actor, ang daming mga kaibigang taga-showbiz ang tumutulong dito. Hinahanapan ng raket at binibigyan pa ng libreng publicity minsan. Ngayon ay iba na si mommy ni young actor. Wala nang kai-kaibigan kapag trabaho ng anak niya ang pinag-usapan.

Hindi naman manager si mommy, pero nakikialam at siya naman ang nasusunod kung magkano ang ipi-presyo sa raket ng kanyang anak.

Minsan may personal appearance na nakuha ang kaibigan ni mommy ni young actor at pinakiusapan kung puwede na ba sa special price na 80 thousand pesos. Pumayag ang manager ni young actor dahil bestfriend naman ito ni mommy at super alaga naman si young actor.

Umalma ang Mommy ni young actor nang nalaman niyang pumayag si manager sa 80 thousand. Kahit kaibigan pa niya ang kumuha at nag-commit na ito sa event na lalabasan ni young actor, hindi raw niya papupuntahin ang anak. Hanggang 100 thousand daw ang pinakamababang presyo sa anak niya.

Para hindi na lang mapahiya si bestfriend ni mommy, nag-abono na lang siya ng 20 thousand para sumipot na si young actor.

Alam ni mommy na pinaluwalan na ito ng bestfriend niya, pero dedma siya. Tinanggap niya ang additional 20 thousand dahil sa trabaho raw ng anak niya, walang kai-kaibigan.

BOOM: Hindi pa masabi ni Iza Calzado kung kailan ang kasal nila ni Ben Wintle.

Maaring next year daw pero baka later part pa ng 2018. Hindi pa naman daw kasi nila ito pinag-uusapan.

Pero kung sila ang masusunod, mas gusto raw sana nila na dito lang o sa malapit na bansa ganapin ang kasal para makadalo raw ang mga close friends nila. Gustuhin man daw niya sa Europe o sa lugar nina Ben sa Sandbanks sa England, malayo raw ito para sa mga kaibigan nila na naging bahagi ng kanilang masayang relasyon.

Sabi ni Iza; “Sa mga pag-uusap namin dati ni Ben, sabi niya it makes no sense for us to have our wedding all the way there when all of our friends are here in Asia,” sabi ni Iza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with