^

PSN Palaro

Saints kumakaway sa NAASCU crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulpi ng reigning champion St. Clare College-Caloocan ang De O­campo Memorial College, 101-79 para makalapit sa ikalawang sunod na kampeonato sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament na ginaganap sa San Andres Sports Complex sa Manila.

Naging sandigan ng Saints si reigning MVP Aris Dionisio na humataw ng 27 puntos buhat sa 12-of-17 shooting  at 13 rebounds sa 34 minutong paglalaro para tulungan ang kanyang tropa na makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three title showdown.

Nakatuwang ni Dionisio sina Junjie Hallare, Paeng Rebugio at Mohamed Pare para sa Caloocan City-based Saints na nagnanais makumpleto ang sweep sa pagsambulat ng Game 2 sa Huwebes.

Kumana si Hallare ng 20 points habang nagdag­dag si Rebugio ng 15 markers gayundin si Pare na naglatag ng double-double na 10 points at 14 rebounds performance para sa Saints ni NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem.

Nangibabaw sa panig ng De Ocampo sina Dah­rrel Caranguian na may 22 points at Raymart Atabay na nag-ambag ng 12 points.

Ito ang unang kabiguan ng Cobras sa liga matapos kunin ang 9-0 rekord sa eliminasyon at semifinals.

Nagrehistro ang St. Clare ng 41 sa 77 attempts nito para sa 53 shooting percentage kumpara sa 33-of 78 o 42 percent ng De Ocampo.

Lamang din ang Saints sa rebounds ( 52-36), assists (16-13), steals (12-7) at blocks (5-2).

Sa juniors division, iginupo ng Our Lady of Fatima ang St. Clare, 86-83 para umabante sa kanilang best-of-three series.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with