^

PSN Palaro

JRU swak sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 JRU swak sa semis

Pinagtulungang depensahan nina Laurenz Victoria (15), Christian Bunag (9) at Denniel Aguirre ng Mapua si Abdulwahab Abdulrazak ng JRU. Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naikonekta ng Jose Rizal University ang 62-58 panalo laban sa Mapua University para masikwat ang kanilang Final Four slot kahapon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Malakas ang pasabog ni Teytey Teodoro nang humakot ito ng 19 puntos habang nagdagdag naman si Jed Mendoza ng 10 markers para bitbitin ang Heavy Bombers sa ika-11 panalo para mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto.

Tangan ang 11-6 mar­ka, makakasama ng Jose Rizal sa semis ang na­ngu­ngunang Lyceum of the Philippines na may malinis na 16-0 rekord at ang nagdedepensang San Beda College na hawak ang 15-1 kartada.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si Heavy Bombers head coach Vergel Meneses sa ipinamalas ng kanyang bataan.

“I’m not happy with the win. They din’t follow my instructions, they though we can beat them all on offense. Luckily sa last possession ng Mapua, we were able to stop them and get the rebound,” wika ni Meneses.

Bagama’t nakakuha lamang ng dalawang puntos, naramdaman naman sa shaded area si Abdulwahab Abdulrazak na humatak ng 17 rebounds para sa Heavy Bombers samantalang nagdagdag si John Grospe ng walong puntos at anim naman si Gio Lasquety.

“Mas naging leader namin ngayon sila Gio and John. Talagang yung energy nila sa practice at sa actual game, nagra-rub off sa ibang players,” dagdag ni Meneses.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Heavy Bombers para makabalik sa Final Four matapos magmintis noong nakaraang taon bunga ng ikalimang puwestong pagtatapos bitbit ang 9-9 kartada.

Naputol naman ang two-game winning run ng Cardinals para bumagsak sa 3-13.

Umiskor si Almel Orquina ng 14 puntos samantalang may double-double na 10 markers at 19 boards si Christian Bunag para sa Mapua.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with