Ochoa, Ramirez guest sa unang POC-PSC Media Group Forum
MANILA, Philippines — Uumpisahan na ngayon ang eksklusibong POC-PSC Media Group Sports Forum mula alas-10:30 hanggang alas-12:30 ng tanghali sa Cabanas Hall sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex tennis center sa Malate, Manila.
Sabi ni POC-PSC Media Group president Jun Navarro ng Philippine Daily Inquirer ang naturang weekly sports forum ay eksklusibo para lamang sa mga guests mula sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, National Sports Associations (NSAs) at mga atleta ng Philippine national team.
Sa unang yugto, makakapanayam sina Asian Indoor and Martial Arts (AIMAG) gold medalists Meggie Ochoa at Annie Ramirez at 2016 Rio Olympiad silver medalist Hidilyn Diaz upang pag-usapan ang kanilang preparasyon para sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Hinikayat ni Navarro ang lahat ng mga miyembro na dumalo sa unang media forum ng POC-PSC Media Group na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission sa pangunguna ni chairman William “Butch” Ramirez.
- Latest