^

Bansa

Maute hostages na may armas babarilin - AFP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Maute hostages na may armas babarilin - AFP

Binibigyan ng instructions ni Army Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr. ang mga sundalo nang bumisita ito sa Marawi City noong Sabado. Tiniyak ng AFP na tatapusin na ang giyera kontra Maute ngayong Oktubre.

MANILA, Philippines — Tatargetin na rin ng tropa ng militar ang mga hostage ng teroristang Maute group na may bitbit na ring armas para tuluyang matapos ang giyera sa Marawi City.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, ang mga bihag na napipilitang makipagbarilan sa mga sundalo ay ituturing na nilang combatants.

Sinabi ni Brawner na alam nila na pinuwersa lamang ang ilang mga hostages para makipag­laban sa mga sundalo, pero sa ngayon kaila­ngan na rin ng militar na ihanay sa combatants ang mga ito kasama ang kanilang mga captors para depensahan naman ang sarili ng mga sundalo.

Dahil sa itinuturing nang combatants kaya papayagan na ang militar nai-“neutralize” sila o patayin.

Sa kasalukuyan uma­­no mayroong 38-48  gunmen na lamang ang natitira subalit ang iba pang natitirang hostage na kalalakihan ay ginagamit bilang “force multipliers” ng teroristang grupo at kanilang mga kaalyado.

Nilinaw naman ni Brawner na ang mga batang hostage ay hindi binibigyan ng armas at hindi pinipilit ng ISIS na lumaban sa militar bagamat may mga ulat na mayroong child warriors ang nasabing grupo.

Sinabi pa ni Brawner na patuloy ang military sa pag-target sa defensive positions ng mga terorista habang sinisiguro nila na hindi tatamaan ng airstrikes ang mga bihag.

Ito ay dahil ang mga hostages ay nakabukod umano ng lugar at kamakailan lamang ay mayroong 17 sa kanila, siyam dito ay mga lalaki ang napilitang maki­paglaban sa tropa ng gobyerno.

Base umano sa kwento ng mga nasagip na hostages, mayroon pang 40 hanggang 60 bihag ang nasa main battle area habang nauubusan na rin umano ng supply ng pagkain, bala at gamot ang teroristang grupo.

Tiwala naman si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Eduardo Año na matatapos na ng tropa ng gobyerno ang giyera sa Marawi City ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon kay Año, panahon na para tapusin ito at base na rin ito sa kanilang kalkulasyon, pagkaka-rescue sa may 17 pang hostages at pag-neutralized sa mga natitira pang terorista gayundin sa pagbaba ng casualties sa panig ng tropa ng militar at sibilyan.

Sa ngayon pumalo na sa 157 sundalo at pulis ang nasawi sa Marawi operations habang nasa higit 1,600 naman ang sugatan.

Habang sa panig ng terorista nasa 770 na ang patay at higit 800 mga armas ang narekober ng militar sa war zone.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with