^

Pang Movies

Super ma’am ni Marian mas astig!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa totoo lang, mas malakas ang dating o hatak ng TV show ni Marian Rivera na Super Ma’am sa GMA 7, na kasunod nito ang TV show naman ni Dingdong Dantes na Alyas Robinhood 2. Parehong action series, pero mas inaabangan, mas pinag-uusapan, mas pinapalakpakan at mas gusto ng mga bagets ang show ni Marian kesa sa Alyas Robinhood ni Dingdong.

E, kasi ngayon lang nagkaroon ng panoorin sa telebisyon na babae ang lumalaban sa masama.

Sa Alyas Robinhood naman, pamilyar na ang mga young viewers sa karakter ni Robinhood. Para sa kanila, hindi ito makatotohanan at kwentong pambata lang. Ang Super Ma’am ay relatable at nangyayari sa babae basta matapang, hindi natatakot, at papatay ng taong sinasaktan ang kapwa taong inosente lalo na ang mga bata.

At para maging makatotohanan ang pagiging matapang at astig, mayroong stuntman at fight instructor si Marian na nakatutok sa kanya. Si Marian na nga ang bagong action queen na hangga’t kaya niyang umarte ng makatotohanan at  mababalian ng buto, ginagawa niya!

Sa bagay, TV show lang yan! Basta ba pagdating sa kama, give lang, yung the best they can do, walang reklamo, halinghing lang!

Ryza at Sunshine sinusuka na

Maraming viewers  ang naiinip na at nagtatanong kung kailan daw kaya matatapos ang Ika-6 Na Utos na tinatampukan nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Naduduwal na raw kasi sila kay Ryza at Angelika dela Cruz.

At lately, ayaw na rin nila kay Sunshine, hindi na raw exciting ang mga eksena. Isa pang kinaiinisan nila ay si Thea Tolentino at Francine Prieto ng Haplos. Sana raw bawasan na sa TV series ang kabit stories, ang agawan ng mga babae sa isang lalake, kawawa raw kasi ang mga babae na nag-aaway dahil sa nota.

Apology accepted…

Nice Joey de Leon, nag-sorry na siya sa isyu ng depression. Para kasi kay Joey, gawa-gawa lang daw ito na sinalag ni Maine Mendoza na grabeng karamdaman ito at ‘di dapat ginagawang joke.

Okay ang aming lady editor na si Ma’am Salve sa sinulat niya sa kanyang column sa dyaryong Pilipino Star NGAYON kung saan ilang libong readers ang nakabasa. Well-accepted na rin ang sincere apology ni Joey!

‘Yang depression kapag may mabigat kang problema, halimbawa ay wala kang datung pero marami kang bayarin, syempre made-depress ka. Kapag may sakit ka at walang pambiling gamot, mag-iisip ka hanggang ‘di na kayanin ng utak mo at bibigay na kaya hindi pwedeng sasabihin mong gawa-gawa lang o imbento na ma-depress ka o ma-stress ka. Thank you Joey de leon!

Personal…

Happy feast day beloved Mama Mary, Our Lady of the Most Holy Rosary kahapon, October 7 na Patron Saint ng Golden City Church, Sta. Rosa Laguna, with Parish Priest, Rev. Fr. Dode. 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with