^

Police Metro

Zero EJK ng PNP kinatigan ng Palasyo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinatigan kahapon ng Palasyo ang Philippine National Police (PNP) sa pahayag nito na walang kaso umano ng extra-judicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ibinase ng PNP ang pahayag sa operational guidelines ng Administrative Order No. 35 kung saan nililinaw ang ibig sabihin ng EJKs na nilagdaan noong Abril 18, 2013.

“The PNP’s statement that there is no case of extrajudicial killing under the Duterte Administration is based on the operational guidelines of Administrative Order No. 35, adopted and signed on April 18, 2013,” sabi ni Abella.

Sa nasabing AO, itutu­ring na EJK ang isang kaso kung ang biktima ay mi­yembro o konektado sa isang organisasyon na nagsusulong ng isyung pulitikal, environmental, agrarian, labor at kahalintulad na gawain o kaya ay isang miyembro ng media.

Nauna rito naglabas ng pahayag si PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na walang kaso ng EJK sa kasalukuyang administrasyon kontra sa resulta ang survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing 73 porsiyento ng mga Filipino ay natatakot maging biktima ng EJK.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with