^

Pang Movies

Marian naaksidente sa action scenes!

Vir Gonzales - Pang-masa
 Marian naaksidente sa action scenes!

Marian Rivera

MANILA, Philippines — Maswerte ang GMA 7 dahil napapayag nila ang archbishop ng Baliuag na si Andres Valera na mag-taping ang Super Ma’am starring Marian Rivera sa simbahan.

Dinumog ng mga tagahanga ang taping kaya lang, sa labas ng simbahan nakapwesto ang nanonood dahil nakasarado ang gate ng church.

Masaya ang mga nanood ng serye dahil bigay todo ang acting na ipinakita ni Marian. Ilan sa eksenang kinunan ay may hinahabol siyang magnanakaw kung saan bigla siyang nadulas dahil kakaulan lang at madulas pa ang semento. Sandaling natigil ang nasabing taping para gamutin ang gasgas na inabot ng aktres.

Tagapagtanggol ang role ni Marian sa serye laban sa mga masasamang loob. Na-sight din sa taping si Carmina Villaroel.

Komento naman ng mga taga-Kapuso, maganda raw ang Baliuag at peaceful ang kapaligiran.

John Lloyd at Ellen matagal nang nagsasama?!

Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi makapaniwala sa kung ano man ang namamagitan kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Hindi maialis ng mga nakapanood sa viral videos and photos ni John Lloyd kung saan makikitang napakapayat niya at kakaiba ang mga ikinikilos. Ibang-iba raw si John Lloyd at nakakaawa ang hitsura.

Samantala, may mga nagkokomento na parang live in na raw ang dalawa dahil tuwing umaga ay laging pino-post ni John Lloyd sa social media ang hair extension ni Ellen na nakakalat sa sahig. “Nyets lagi na lang,” caption pa ni John Lloyd sa kanyang Instagram account.

Kalaswaan nina Kris at Rafael pinalagan ng mga nanay

Naalarma na naman ang mga nanay. Tanong nila, bakit daw nakalusot ang kissing scene nina Kris Bernal at Rafael Rossel sa seryeng Impostora?

Natatakot ang mga nanay dahil baka raw mapanood ng mga bata ang malalaswang eksena.

Sa totoo lang, magaling si Kris at pwede na siyang pakawalan ng Kapuso para mag-solo na bida katulad nitong Impostora. Mahirap gumanap ng dalawang katauhan sa isang istorya huh.

Personal...

Birthday greetings on September 30 kina Jeric Raval, Denise Laurel, Teresa Carpio, dating singer at director Ysmael Bernal, Gemma Cruz Araneta, at Leonor Vergara.

Maligayang kaarawan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with