^

PSN Showbiz

Xian at Kim may kumpetisyon sa album!

Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Xian at Kim may kumpetisyon sa album!

Kim Chiu

Kung dati ay matagumpay na napapaglabanan nina Xian Lim at Kim Chiu ang lahat ng pagtatangka na mapaghiwalay sila bilang loveteam, sa pagsabak naman nila sa mundo ng re­cording ay may pag-aalala ang kanilang fans kung makakaya ba nilang mapanatili ang tandem nila lalo’t mahigpit na magkalaban sa bentahan ang album nila na pi­na­lalakas ng mga unang single na inilabas galing sa mga ito, tulad ng Getting To Know Each Other Too Well ni Xian at Okay Na Ako ni Kim.

Nagpapalitan sa unang posis­yon sa chart ang mga kanta nila. Kung magpapatuloy ito ay baka maapektuhan ang dalawa at mas lumawak ang gap na nalikha sa pagitan nila na nagsimula  sa paghihiwalay ng proyekto nila.

Pagiging haggard ni Ian, sinadya!

Ang dami na namang nagmamaga­  ling at nagmamarunong sa pagsasabing kailangan ni Ian Veneracion ang pahinga dahil ngarag na ang itsura nito at nagmukha nang matanda sa finale episode ng A Love To Last.

Intensyonal na pagmukhain siyang ngarag at matanda dahil ang role niya ay matagal nang hiwalay sa kanyang asawa. Alangan namang mamintina niya ang kanyang kagwapuhan kahit na naninimdim siya. Bilang artista, kailangan niyang samantalahin ang magandang swerte na dumarating sa kanya ngayon dahil baka hindi na ito bumalik. Taping lamang ng isang serye at ilang mga komersyal ang pinagkaabalahan niya, wala siyang isinabay na pelikula.

Ngayong tapos na ang ALTL at ilang mga TVC, afford na niyang mag-relax.

Kris pumalag sa bintang na bading ang anak!

Sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino, it’s nice to know na sa kabila ng pag-unfollow niya ng marami niyang kaibigan ay marami pa rin  ang nagpapakita at nagpaparamdam ng malasakit sa kanya. Napaka-unfair naman talaga na idamay ng mga netizen ang kanyang bunso sa pagmamaltrato sa kanya.

Agad na sinalag ni Kris ang netizen na kumukwestiyon sa sexual preference ng anak.

“I have no issues w/ sexual preference BUT I do have an issue w/ you deciding for my son. If you have prejudices please express it elsewhere,” ang kalmadong sey ni Kris sa basher.

It was totally out of line at nakapagpagalit din sa maraming netizen na mayro’n ding mga anak na handa nilang ipaglaban sa mga malulupit at masasamang tao. Gaano man kainis ang marami sa dating presidential daughter and sister, hindi maitatatwa ang kabutihan nito bilang isang ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with