^

PSN Showbiz

Chance ni Jessy na maka-bonding si Edu sa Europe, naudlot sa trabaho ni Luis?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Chance ni Jessy na maka-bonding si Edu sa Europe, naudlot sa trabaho ni Luis?!

Luis Manzano

Akting ni JC, kinapos sa lalim! 

PIK: Ilang magagaling na aktres ang inalok ng Maalaala Mo Kaya bago ito napunta kay Maricel Soriano.

Hindi naman nanghinayang ang isang maga­ling na aktres nang hindi napunta sa kanya ang role dahil napunta naman kay Diamond Star na napatunayang napakagaling pa ring aktres.

Pero si JC de Vera ang bida sa kuwentong iyun, at marami ang nagkomento na sayang ‘yung material na iyon dahil hindi raw nabigyan ng justice ni JC ang role.

Napanood din namin ang episode na iyon at nang­hinayang din kami dahil nakulangan kami kay JC sa mga mabibigat na eksenang maaring na­gam­­panan ng mabuti kung naibigay ang role kay Daniel Padilla o baka kay Joshua Garcia.

PAK: Tiniyak sa amin ni Edu Manzano na babalik siya sa Celebrity Bluff pagkatapos ng birthday vacation niya kamakailan lang.

Nabanggit nga niyang ayaw niyang makatapat ang programa ng anak na si Luis Manzano, kaya pinag-iisipan pa raw niya kung itutuloy niya dahil ang show na Celebrity Bluff ang tinapatan ng I Can See Your Voice ni Luis.

“Hindi naman kasi magandang tingnan ka­ming mag-ama nagtatapat ng show,” pakli ni Edu na nakausap namin sandali sa birthday celebration ni Sen. Bong Revilla kamakalawa ng gabi.

Nanghinayang nga si Edu dahil dapat ay kasama raw si Luis sa birthday vacation nila sa Europe na kung saan dumaan sila ng Portugal para makibahagi sa 100th anniversary ng Our Lady of Fatima.

Tuwing birthday niya ay ginagawa niya iyon kasama ang buong pamilya. Nakasama pa nga raw noon si Angel Locsin sa isa sa mga biyahe nila.

Kung wala itong I Can See Your Voice, tiyak na kasama si Luis at baka ka-join pa si Jessy Mendiola.

BOOM: Hindi napigilang maging emotional ng dating Sen. Bong Revilla sa pagdiriwang ng kanyang 51st birthday na nakapiit pa rin sa Custodial Center ng Camp Crame.

Kahapon talaga ang kaarawan ni Sen. Bong, pero kamakalawa lang tumanggap ng dalaw para batiin siya dahil bawal ang dalaw tuwing Lunes.

Dumating din si dating Sen. Jinggoy Estrada. Napaka-touching ng mensahe niya kay Sen. Bong na nabuo raw ang magandang friendship nila nang magsama sila sa loob ng Custodial Center ng mahigit tatlong taon.

Sabi ni Sen. Bong, mas nanaiisin pa nga raw niyang mas maunang makalabas sa kanya si Sen. Jinggoy dahil hindi raw niya maatim na maiwan ang bestfriend niya kung sakali.

Nandiyan daw ang bigat na naramdaman niya nang pinagbigyan na ng korte na makapagpiyansa si Sen. Jinggoy at makalaya. Pero mas nanaig daw ang kasiyahan dahil kung siya raw ang maunang lumabas, hindi raw niya alam kung ano ang sakit na mararamdaman ni Sen. Jinggoy.

“Ako kasi mas kaya ko. Kaya okay lang na ma­u­na munang lumabas ang Pareng Jinggoy ko,” bahagi ng madamdaming pahayag ni Sen. Bong.

Halos lahat ay naluha sa palitan ng mensahe ng matalik na magkaibigan.

Kaya naman tinitiyak talaga ni Sen. Jinggoy na madalaw niya nang araw-araw si Sen. Bong kahit may kahigpitan ngayon sa Custodial Center ng Camp Crame.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with