^

PSN Showbiz

Rocco may pagdadalhan na sa mapapangasawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rocco may pagdadalhan na sa mapapangasawa

Rocco Nacino

Ipinakita sa amin ni Rocco Nacino ang design ng ipinapagawa niyang four-storey house nang ito’y mag-guest sa aming Inside Showbiz program on DZRJ last Sunday afternoon kung saan niya nakasama bilang in studio guest ang Timeless Diva na si Dulce.

Kung gugustuhin ngayon ni Rocco na mag-asawa na at magkaroon ng sariling pamilya ay kaya na niya dahil bukod sa magandang takbo ng kanyang career bilang actor, maganda rin ang takbo ng kanyang mga itinayong negosyo, ang Elorde Boxing Gym sa Ortigas, ang sarili niyang franchise ng Rufo’s Famous Tapa sa may Timog Avenue at bilang investor sa Backyard Restaurant sa The Fort.

Inamin ni Rocco na talagang nasaktan siya nang husto sa break-up nila ng actress na si Lovi Poe in 2015 at isang taon umano niya itong ininda but fully recovered at nakapag-move on na siya.  Sinabi rin ng binata na wala umano siyang hinanakit sa kanyang ex-girlfriend na alam niyang masaya ngayon sa piling ng bago nitong boyfriend, ang Fil-French na si Chris Johnson.

Sila na ba ni Sanya Lopez nga­yon?

“Hindi pa,” natatawa niyang tugon.

“But we’re very close and comfortable with each other,” pag-amin ni Rocco at masaya raw siya na kasama ang co-star niya sa Haplos.

Gusto raw niyang isama si Sanya na manood sa musical play sa KIA Theater ng Maynila: Sa Kuko ng Liwanag, ang award-winning movie ng yumaong si Lino Brocka na pamamahalaan ni Joel Lama­ngan kung saan kasama si Dulce alternating with former Miss Saigon star na si Ima Castro.

Dulce hindi pa napapahinga sa pagkanta

Although nakagawa na si Dulce ng ilang musical plays, kakaiba raw ang dating sa kanya ng kanyang bagong play na Maynila: Sa Kuko ng Liwanag na hango sa award-winning movie na dinirek ng national artist na si Lino Brocka.  Ito’y produced ng Grand Leisure Corporation in cooperation with the Gantimpala Theater and Full House Asia.  Ang original Filipino musical ay base sa libro ni Edgardo Reyes, music ni Von de Guzman, choreography ni Douglas Nieras, lights design ni Joey Nombres at production design ni Jun Pablo.

Ang Maynila: Sa Kuko ng Liwanag – The Musical ay mapapanood sa KIA Theater on September 30, October 1, 4, 5 & 6 at 3 p.m. at 8 p.m.

Pagkatapos ng musical play ay aalis naman si Dulce patungong Europe for a concert tour kung saan niya makakasama sina Christian Bautista, Sam Concepcion at iba pa.

Sa kabila ng pagsulputan na mga bagong singers and performers, natutuwa si Dulce na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawalan ng trabaho here and abroad.

Ash at Enrico nagkakasundo dahil sa aso

Bukod sa seryeng Super Ma’am, magkasama rin sina Enrico Cuenca at Ash Ortega sa horror movie ng OctoArts Films, ang The Haunted: Spirit of the Glass na pinamamahalaan ni Joey Javier Reyes. Tampok din sa nasabing pelikula sina Cristine Reyes, ang beauty queen-turned actress na si Maxine Medina, Daniel Matsunaga, Janine Gutierrez at iba pa.

Ang 22-year-old young actor ay nag-aral ng Film Criticism and Production Management sa California State University sa Amerika at ngayon ay nasa pangangalaga ni Jonas Gaffud ng Mercator.

Although close na sa isa’t isa sina Enrico at Ash, hindi pa raw ‘sila’ dahil bukod sa pareho silang baguhan sa industriya, pareho rin silang focused sa kanilang respective career.  Pero hindi ikinakaila ni Enrico na marami umanong qualities ang young actress na gusto niya at kasama na rito ang common interest nila as dog lover.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with