^

PSN Showbiz

Piolo naniniwala na marami pang puwedeng gawin si Empoy!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo naniniwala na marami pang puwedeng gawin si Empoy!

Piolo Pascual

Masayang-masaya si Piolo Pascual para sa tagumpay na tinatamasa ni Empoy Marquez ngayon. Isa si Piolo sa mga producer ng pelikulang Kita Kita na pinagbidahan nina Empoy at Alessandra de Rossi na pinag-usapan at tumabo nang husto sa takilya kamakailan. Ngayon ay kabi-kabila ang mga proyektong ginagawa ng komedyante at naniniwala raw talaga si Piolo sa kakayahan ni Empoy. “Now that he’s back as part of ABS-CBN, I’m so excited for him because there’s so much to offer. His victory is part of our success also,” nakangiting bungad ni Piolo.

Matatandaang si Empoy ang nanalo sa Mr. Suave segment sa Magandang Tanghali Bayan noong 2003 at mula noon ay naging komedyante na ang aktor sa show business. Ngayong taon lamang naranasan ni Empoy na makapagbida sa isang pelikula kaya ayon kay Piolo ay talagang nabigyan ng magandang materyal ang komedyante kaya lalo itong sumikat. “Empoy naman is really meant to be a star. He just needed the right people, a right timing and right material,” giit pa ni Piolo.

Alexa at Nash iba naman ang gustong ipakita

Kagabi ay nagsimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng The Good Son na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce, McCoy de Leon at Nash Aguas. Si Alexa Ilacad ang katambal ni Nash sa bagong serye na aminadong nakararamdam ng pressure ngayon dahil nasa Primetime block sila. “I honestly think that anyone starting a new show will always feel pressured but primetime is a really, really big deal. So like double the pressure but I’m sure this show will thrive and I pray that it will,” pahayag ni Alexa.

Bukod sa tambalan nina Nash at Alexa ay tampok din sa prog­rama ang tambalan nina Jerome at Loisa Andalio at McCoy at Elisse Joson. Hindi raw nanga­ngamba si Alexa na magkakasa­pawan ang kanilang  mga tambalan dahil may kanya-kanya silang istorya sa serye. “’Yung tatlong love teams sa show have different stories and may different ways din kami of pagpapakilig to the au­dience. I think ‘yung story namin ni Nash, right now with what we’re taping, nag-focus kami sa starting friendship ni Calvin (karakter ni Nash) and Justine (karakter ni Alexa) but still sana with our scenes kiligin pa rin ‘yung audience. I think it’s an effort kasi matagal na rin kami as a love team. We want to show different ways din naman ng pagpapakilig, hindi ‘yung usual na pa-sweet,” paliwanag ni Alexa. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with