Kasal kay Jessy selyado na
For the first time, dalawa at hindi nag-iisa si Luis Manzano na humarap sa salamin ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda.
Nang dumako ang usapan sa kasal at tinanong si Luis ng King of Talk kung si Jessy Mendiola na ba ang pakakasalan niya, sinundo nito ang GF na nasa audience lamang at nanonood. Isinama nito ang nobya at iniharap din sa salamin bago siya sumagot ng oo, and sealed it with a kiss.
Ang daming kinilig at naging masaya sa deklarasyon ng anak ng Star For All Seasons na umamin ding masaya siya sa paghu-host sa TV dahil marami siyang napapasayang tao.
Excited siya sa bago niyang programang I Can See Your Voice, isang franchise show from Korea na mapapanood na ngayong Sabado (Sept. 16) at Linggo (Sept. 17), 9:30 p.m.
Muling pinatunayan ni Luis ang pagiging Darling of the Press niya nang ipagtanggol si Alex Gonzaga na biniro siya kung magkano nabili ang award at wala siyang nakitang malisya sa sinabi nito. Pinakiusapan na lamang niya ang press na intindihin ito at huwag lagyan ng kulay.
Anna Capri ipinagdiwang ang pagkapanalo
Sa kasagsagan ng bagyong Lannie at Maring natuloy din ang kainang ipinag-imbita ni Anna Capri dahil sa pananalo niya ng Best Supporting Actress para sa pelikulang Laut sa katatapos na 33rd Star Awards for Movies.
Nadoble ang kasiyahan niya dahil nakasabay ng panalo niya ang pagtanggap din nina Nora Aunor at Cong. Vilma Santos ng Best Actress. Pareho niyang iniidolo ang dalawa.
Libreng pustiso at antipara ikinasa ng KAPPT
Walang makakapantay sa ginagawang pagsisilbi ni Imelda Papin, pangulo ng Actors Guild o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) sa kanyang mga miyembro. Isang medical mission ang isasagawa ng KAPPT sa pakikipagtulungan ng SSS sa Linggo, Set. 17, sa 2nd floor ng SSS, Magsaysay Hall, simula 7 n.u. Magbibigay tulong sa mission ang mga medical, dental, optical, at acupuncture practitioners.
Volunteer doctors will be spearheaded by Drs. Rosendo Papin, Jr. at Baby Rose Papin sa tulong ng Rotary Club RI Dist. 3810/3780, MMDA, Best Foundation, Inc., IAP Foundation, Inc., Docthirty One Movement, Inc., QC Gen. Hospital, DOH, at ATC.
Mabibigay ang mission ng libreng pustiso at salamin.
Nagbigay din ang SSS ng isang office space sa KAPPT na tinawag nilang Home of Filipino Artists. Makakasabay ng medical mission sa nasabing araw ang pagbabasbas dito, pero mas mauuna lamang.
Tiyak na dadaluhan ito ni SSS Chair Dean Amado Valdez at president Emmanuel Dooc.
Opisina ng gobyerno daig pa ng bangko
Inaabot pala ng buwan ang pagpapagawa ng bagong ATM card? Kinain kasi ng ATM machine ng China Bank ang ATM card ko na PNB. Ayaw ko na nga sanang sa ibang bangko mag-withdraw bukod pa sa PNB, pero wala nang PNB ATM sa Trinoma kaya napilitan akong gumamit ng ibang bangko. Tulad nang kinatatakutan ko, nakain ang ATM card ko at sinira pa ng China Bank.
Ganun daw talaga ang ginagawa ng mga bangko sa nakakaing ATM card na mula sa ibang bangko. Wala raw pagkakakilanlan sa akin dahil luma ang ATM card ko ng PNB, walang pangalan at gold chip. Kaya dumaan ako sa proseso ng pagpapabago.
After 15 days, hindi pa rin nagagawa. Pinaghintay akong muli at tumawag raw muna ako bago pumunta. Everytime na tumawag ako, wala pa raw card na dumarating sa kanila mula head office. Nawalan na ako ng pasensya lalo’t kailangan ko nang magbayad ng real estate tax ko. But I can only withdraw sa mother bank ko na nasa East Avenue.
Inaabot na ngayon ang biyahe from Novaliches to East Avenue ng mahigit dalawang oras na hirap nang makayanan ng aking 70 years old and more na balakang. But alas! After a month, makukuha ko rin ang ATM card ngayon. Tinawagan na ako ng PNB East Ave. kahapon at masaya na ako.
Mas lamang pa rin ako sa husband ko na anim na buwan nang hinihintay ang kanyang driver’s license sa LTO. Salamat PNB. Isa kayo sa magbabalik ng tiwala ng mga tao sa administrasyon ni Pangulong Rody Duterte.
- Latest