Gabby si Marian ang trip, ‘di si Shawie!
Pinahawakan sa press people ni Gabby Concepcion ang trophy sa napanalunang Asian Star Prize sa 2017 Seoul International Drama Awards para sa performance niya sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7.
Sobrang special kay Gabby ang trophy dahil nakuha niya ito sa panahong akala’y tapos na ang career niya.
Wala na siyang balak balikan ang showbiz at bumalik lang ng bansa noon malapit nang mamatay ang ama. Sakto namang dumating ang offer ng GMA Films to do a movie na hindi natuloy pero sa teleseryeng Because Of You siya natuloy at sa hit afternoon soap na Ika-6 Na Utos.
Hindi kinumpirma ni Gabby kung totoo ang tsika na hanggang January 2018 pa ang Ika-6 Na Utos, pero nagbiro na maganda kung sa February 14, 2018 tatapusin ang Show sabay sa Valentine’s Day.
Ibinalita pala ni Gabby na dalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin, ang isa’y to be directed by Laurice Guillen, his director ni Ika-6 Na Utos. Ang isa’y, ididirehe ni Maryo J. Delos Reyes.
Tinawagan din siya ni Mother Lily Monteverde at may offer itong pelikula sa kanya.
May leading ladies na si Gabby sa dalawang pelikula at dahil nabalitang si Robin Padilla ang makakatambal ni Sharon Cuneta sa movie nito sa Star Cinema, negative na nitong makasama ang ex-wife.
Wish ni Gabby na makapareha sa movie si Marian Rivera, posible kaya ito?
Mga katrabaho natutulala kay Marian
Napansin ng mga reporter sa presscon ng Super Ma’am ang pagka-starstruck ng mga batang cast kay Marian Rivera. Mula nang tawagin si Marian at tumabi sa kanila, lagi silang nakatitig sa aktres.
Sa kani-kanyang social media account, may picture ang mga bagets kasama si Marian at isa na rito si Isabelle de Leon. Si Kim Domingo ang madalas kaeksena ni Isabelle at parang sa presscon pa lang niya nakasama si Marian.
Pati nga si Shyr Valdez, nag-post ng picture nila ni Marian at sabi, masaya siyang muling makasama ang aktres na nakatrabaho niya sa Carmela three years ago. Si Meg Imperial ang isa sa kontrabida kay Marian na okey lang kahit awayin siya ng fans nito. Sa Monday na, September 18, ang pilot ng Super Ma’am sa direction ni LA Madridejos.
Archie pinaglaruan ang ginawa ni John Lloyd
May mga hindi natuwa sa ipinost na video ni Archie Alemania na obvious na parody ng nag-viral na video ni John Lloyd Cruz. Ito ‘yung nakaupo si John Lloyd na pinaikut-ikot ang ulo at nag-dirty finger sign.
Ginaya ‘yun ni Archie at nilagyan ng caption na “Wow grabeh to!!! Di ko inakala sa tagal ko sa showbiz mangyayari to. Pag pala ganyan ginawa mo sasakit talaga leeg mo. Ang sakit eh saan kaya puwede magpahilot.”
Ipinagtanggol si John Lloyd ng kanyang fans. May naniniwala namang hindi magagalit si John Lloyd ‘pag napanood ang parody video ni Archie.
- Latest