Sabik na ang lahat sa UAAP opening
MANILA, Philippines - Nananabik nang makalaro ang halos lahat ng koponan para sa dara-ting na UAAP Season 80 basketball tournament.
Nagpahayag ng kanilang excitement ang halos lahat ng mga coaches sa pagbubukas ng premier collegiate league ng bansa sa pamumuno ng season host na Far Eastern University sa nakatakdang pagbubukas ng liga ngayong Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.
Bukod sa University of the Philippines at University of Santo Tomas na nagkaroon ng problema sa eligibility sa ilan sa kanilang mga starters, lahat ng mi-yembrong UAAP schools ay excited nang sumalang sa aksiyon.
“As host, everyone from the management, students and players, everybody is excited this coming season,” ayon kay bagong FEU coach Olsen Racela na humalili sa kanyang nakababatang kapatid na si dating Tamaraws coach Nash Racela.
Sinabi din ni Racela na hindi na rin nila iniisip at ibinaon na nila sa limot ang nangyaring gulo sa pagitan nila ng defending champion De La Salle sa nakaraang Kadayawan Festival sa Davao City.
Para naman sa kampo ng Archers, excited na rin silang simulan ang kanilang title defense ayon kay coach Aldin Ayo na pinabulaanan ang mga akusasyong nanakit din siya sa halip na umawat sa nangya-ring gulo sa Davao.
“We’re excited and ready,” ang maikling pahayag ni Ayo.
Nagka-problema sa eligibility sa kanilang starting center at forward na sina Ibrahim Catara at Rob Ricafort ang Maroons habang kulang din sa residency ang foreign player ng Tigers na si Steve Akomo.
Gayunpaman, inaasahan ni UP coach Bo Perasol na magagawan nila ng kaukulang adjustment ang mga nasabing problema habang ikinagulat naman ni UST coach Boy Sablan ang naunang lumabas na balita sa Spin.ph na ineligible si Akomo.
- Latest