^

Bansa

Granada natagpuan sa UE-Recto

Pilipino Star Ngayon
Granada natagpuan sa UE-Recto

MANILA, Philippines — Wala nang dapat ikabahala ang mga estudyante at empleyado ng University of the East matapos alisin ng Manila Police District ang granada sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila.

Isang kahina-hinalang package ang iniulat ng street sweeper sa lugar ngayong Martes ng umaga.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng MPD na sinuri ang "MK2 fragmentation hand grenade" na nasa loob ng package.

“Hindi siya capable to explode without detonator, ibig sabihin walang detonator, kulang siya. Pero ito’y naka-safety pa, nakata-tape, intact ‘yung kanyang safety pin,” paliwanag ni Senior Inspector Arnold Santos ng  Explosives and Ordnance Division sa dzMM.

Kinukuha na ang kuha ng CCTV sa tapat ng pamantasan upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng granada.

Tuloy naman ang klase sa UE sa kabila ng insidente.

"This morning's suspected item outside the vicinity of UE Manila's Recto gate has been removed and the gate is now open," pahayag ng UE Manila.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with