^

PSN Showbiz

Aiko huli sa akto ng ex

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Itinatanggi ng magkasintahang Will De­vaughn at Roxanne Barcelo na nagli-live in na sila. Open naman ang ibang showbiz couple, at hindi itinatangging nagli-live in na, pero sila raw ay magkahiwalay talaga ng tirahan.

Sabi ni Will, sa Katipunan daw siya nakatira at sa Commonwealth naman si Roxanne kasama ang pamilya niya.

Sabi ni Will, “Iba ‘yung feeling ‘pag nakita mo ‘yung tao throughout the days. Nakaka-miss din ‘yung tao for me.

“Siyempre ‘yung tradition ‘yung Filipino not living in together.

“It’s about respect. It’s about tradition. It’s nice to miss each other pa rin.

“Lagi nilang sinasabi ‘pag ikinasal kayo iba pa rin.”

Saad naman ni Roxanne, “Para sa akin personally, gusto ko pa rin makasama ang parents ko until ikasal ako. Kasi sobrang attached talaga ako sa mga magulang ko.”

Lagi naman silang magkasama sa ngayon dahil abala sila sa promo ng pelikula nilang I Found my Heart in Santa Fe na magsu-showing na sa September 15.

PAK: Nilinaw ni Aiko Melendez ang isyung nagkagulo sila ng dating Iranian boyfriend niya nang magkita sa isang bar sa BGC noong nakaraang linggo.

Ayaw lang daw sana niyang magkagulo pa, pero nag-approach sa kanila ang dating boyfriend at nakita ngang kasayaw ni Aiko ang kaibigan niyang isa ring aktor na si Ken Alfonso.

Kung anu-ano raw ang sinabi ng dating boyfriend kay Ken na sa totoo lang ay kaibigan lang daw talaga ng aktres. Kung sabagay, alam naming harmless naman talaga si Aiko kay Ken.

Maaaring nagselos ang dating boyfriend kaya napagdiskitahan nito ang baguhang aktor. Natulak pa raw nito si Ken kaya nagalit si Aiko.

Mabuti at kaagad namang nakontrol ng mga boun­cer ang gulo, at naprotektahan sina Aiko.

“Minsan na lang nga ako lumalabas, makikita ko na nga lang siya minsan, may ganun pa? Kailangan ko rin namang ipagtanggol si Ken. Nakakabastos lang ‘yung ginawa niya sa kaibigan ko,” saad ni Aiko nang ma-interview ng PEP.ph.

Kaya nga mas gusto na lang ni Aiko na walang karelasyon sa ngayon para hindi magulo at naka-focus sa trabaho, lalo na’t ang ganda-ganda ng exposure niya sa Wildflower na mag-i-extend pa raw.

BOOM: Ayaw nang patulan pa ni Lotlot de Leon ang ilang Noranians na nam-bash sa kanya dahil sa pag-post nito picture nila ng biological mother niya.

Ipinamumukha nila kay Lotlot na si Nora raw ang nagpalaki sa kanya. Hindi lang daw nila mawari kung bakit hindi man lang nito madalaw.

May nagsasabi pa kung hindi raw ito kinupkop ng Superstar at hindi naabot ang tagumpay na tinatamasa sa ngayon, papansinin daw ba kaya ito ng tunay niyang ina?

May ilan namang nagtanggol kay Lotlot at iniintindi ito. Masaya sila at nakilala na raw nito ang tunay niyang ina. Kahit nga si Sandy Andolong ay nag-message rin kay Lotlot na masaya para sa itinuturing din niyang anak-anakan.

Sinubukan naming hingan ng sagot si Lotlot, at nag-text na lang siya ng pahayag kaugnay dito.

Ani Lotlot, “Marami po akong gustong sabihin, pero alam ko naman na anuman ang sabihin ko, nasa kanila kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

“Kung sa pagpapaliwanag, wala po akong dapat ipaliwanag kahit na kanino; alam ko, I cannot please everybody.

“Basta ako po, sa abot ng aking makakaya, uunawain at mamahalin ko ang mga taong dapat una­wain at mahalin.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with