^

PM Sports

CEU umusad sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Centro Escolar University ang isang malaking upset nang ganap nilang walisin ang topseed Flying V sa pamamagitan ng 72-67 panalo kahapon sa Game Two ng 2017 PBA D- League Foundation Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sinandalan ng Scorpions ang kanilang eksplosibong opensa sa pangunguna ni Congolese big man Rod Ebondo upang manalo matapos mag -step up ang ilan sa kanilang mga players partikular na sina Orlan Wamar at Jayjay Manlangit.

“Sabi ko sa kanya mag-concentrate lang sa depensa kasi ‘yung opensa darating din ‘yan,” pahayag ni CEU coach Yong Garcia patungkol kay Ebondo na umiskor ng 11-puntos kabilang ang huling tatlong puntos sa laro ng Scorpions na sumelyo sa panalo. 

Bukod dito, nagtala rin siya ng 18-rebounds at tig -isang steal at block.

Umiskor si Wamar ng 17-puntos off the bench upang pangunahan ang nasabing panalo ng CEU habang nagdagdag ng 13-puntos si Art Aquino.

Nauwi sa wala ang 11-0 winning run ng Thunder mula eliminations hanggang quarters.

.“Sayang lang kasi we could have done better. Sayang din kasi na sweep namin ang eliminations,” wika ni Teng na siyang nagtapos na topscorer para sa Thunder Jeron sa itinala niyang 19 puntos. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with