^

Punto Mo

‘Sibakin ang mga tutulug-tulog sa pansitan!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NakakatuwaNG ang katangian ng mga Pinoy ang pagiging likas na matiyaga, may dedikasyon at pagmamahal sa pamilya. Gagawin ni Juan dela Cruz ang lahat, kumapit man sa patalim makaahon lamang sa kahirapan.

Ito ang matibay na sandata ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat. Sinong mag-aakala na ang magandang adhikain na ito ang mismong maglalagay sa iba sa kanila sa panganib.

Nakakalungkot mang isipin, hindi lahat ng mga overseas Filipino worker ay pinapalad sa kanilang napiling destinasyon. Nakakabiyak ng puso na may mga kababayan tayo na umalis ng puno ng pag-asa ngunit umuwi ng luhaan at hindi makatarungang paraan dahil sa pagkakaiba ng kultura.

Pasakit at kahihiyan ang inabot ng isang OFW na mula pa sa Riyadh, paglapag ng Pinas ay dumiretso patungo sa tanggapan ng Kilos Pronto. Hustisya ang kanyang pakay dahil sa mapait na sinapit niya sa malupit niyang amo.

Labis ang hinagpis ng OFW dahil sa ginawa ng kanyang Arabong employer. Hindi lang sinaktan, ninakawan, kinulong sa kwarto, pinagkaitan ng pagkain, at ang pinakamasakit pinauwi ng nakabra at panty lang at nakatapak papuntang airport gamit ang sarili niyang pamasahe.

Kalunos-lunos, kung dito ito ginawa sa Pilipinas at lumapit din sa akin ang biktima ay hindi ako magdadalawang isip na sugurin ang asal hayop na amo. Ipapatikim ko rin sa kanya ang kahihiyang ipinaranas sa kaniyang manggagawa.

Nakausap naman ng Kilos Pronto ang Liason Officer ng Ana Recruitment Agency, ang ahensiyang nagpaalis sa pobreng OFW. Subalit tumaas ang alta presyon ko nang makausap ko ang kengkoy na ito.

Ipinaalam na sa kanila noong nasa Riyadh pa ang pobreng OFW eh walang ginawa at hindi nila ito sinagip man lang. Bukod sa pangdededma sa sumbong eh wala ding laman ang kukote nito dahil ang kanya lamang kayang isagot ay puro “gagawa ng paraan”.

Mga ijo de kabron etong mga putok sa buhong ito. Imbes na mahabag at tumulong parang kung sinong poncio pilato na naghuhugas kamay at gusto pa kaming paniwalain sa kanilang dramang aaksiyon.

Isang prebilihiyo na makausap sa aming programa kung may solusyon kang mailalatag at hindi puro satsat! Hindi puwedeng hindi kami makiaalam sa usaping ito dahil sobrang agrabyado ang kababayan nating OFW.

Ang tanong, baka naman natutulog din sa pansitan ang ating embahada sa Saudi dahil naireport na rin pala sa kanila ang problemang ito noong simula pa lang. Nasa peligro na ang buhay ng pobre ng lumapit sa kanilang tanggapan pero walang nangyari.

Paalala lang, gising ang kasalukuyang administrasyon sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ngunit may mga opisyales na sadyang napapagiwanan at natutulog sa pansitan imbes na matulungan ang ating mga kababayan.

Kaya para sa mga kumag at kengkoy na natutulog at nagbibingi-bingihan, ano pang silbi n’yo diyan? Gising! Eh kung hindi aba’y dapat na kayong sibakin diyan!

Sa mga ahensiyang kinauukulan, kailangan natin ng KILOS PRONTONG AKSYON at hindi KILOS PAGONG! Magbayad ang dapat magbayad.  Managot ang dapat managot!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with