^

PSN Palaro

Flying V o CEU?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

4 p.m.  CEU vs Flying V

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng top seed Flying V at Centro Escolar University ang huling tiket sa finals sa paglarga ng rubber match ng kanilang 2017 PBA D-League Foundation Cup best-of-three semifinals series ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tiyak na matinding bakbakan ang masisilayan sa pagitan ng Thunder at Scorpions sa alas-4 na parehong gigil na makuha ang karapatang harapin ang Cignal HD sa best-of-three championship series.

Naglaho ang pangarap ng Thunder na makumpleto ang sweep sa kumperensiya matapos lumasap ng 72-93 kabiguan sa Scorpions sa Game 2 ng serye noong Martes.

At nanganganib pang masibak ang Flying V na nauna nang nakasakay sa 11-0 winning streak bago matalo sa CEU.

Kaya muling babalik sa basics ang Thunder na inaasahang maglalatag ng solidong plano upang pigilan ang bagsik ng Scorpions.

Nangako si Jeron Teng na ibubuhos na nito ang lahat upang tulungan ang Thunder na maka-entra sa finals.

Nauna nang pumasok sa finals ang Cignal HD matapos walisin ang Marinerong Pilipino sa kanilang hiwalay na semis series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with