^

Pang Movies

Gown ni Rochelle nangabog nga ba?

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaintriga naman ang tsikang narinig namin sa umpukan ng fans. Parang mas bongga pa raw ang wedding dress ni Rochelle Pangilinan kesa sa wedding gown ni Marian Rivera. Halos sumakop kasi sa buong altar ang dress ni Rochelle na gaya ni Marian, gawa rin ng international Filipino designer na si Michael Cinco.

Talagang pinag-ipunan nina Rochelle at Arthur ang kanilang kasal.

Teary-eyed naman sa kasal ang nanay-nanayan ni Rochelle na si Joy Cancio. Kilalang-kilala ni Joy si Arthur maging ang ibang Sexbomb dancers. Alam nila na liligaya si Rochelle sa piling ng aktor.

Mark ayaw padaig kay Coco

Halatang ‘di nagpakabog si Mark Lapid sa paboritong aktor ngayon ng Kapamilya network na si Coco Martin. Sa mga eksena kasi nila sa FPJ’s Ang Probinsyano, nagkakainitan sina Mark at Coco dahil pinopormahan ni Mark ang isang dalaga na tila may gusto naman kay Coco.

Mabait si Mark pero mabangis pala ito kapag nagalit.

Sunshine kinakapos daw sa drama

Mistulang binuhay ni Mel Soriano ang karaniwang papel na ginagampanan ng utol niyang si Maricel Soriano sa Ika-6 Na Utos. Ang bawat kilos at pag-irap-irap niya ay duplikado kay Maricel. Hindi rin siya magpapaawat sa kanyang outfit na minsan ay mas pabolosa pa kina Ryza Cenon at Sunshine Dizon.

Samantala, marami ang pumupuri sa buhok at makeup ni Sunshine pero komento nila, kinukulang na sa emotion si Sunshine lalo na noong mahulog sa bangin si Odette Khan.

Magaling naman umarte ang batang gumaganap na Sydney.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with