^

Pang Movies

Ian walang malay sa team-up nila ni Sharon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Ian Veneracion, wala raw siyang alam tungkol sa napapabalitang magsasama sila ni Sharon Cuneta sa isang pelikula.

“Wala pa akong alam, wala pa akong idea kung meron silang nilulutong project na ganu’n,” pahayag ni Ian nang makausap ng press kamakailan.

Pero kung sakali namang meron nga, of course ay very willing naman daw siya.

“Definitely, I’m open to that. Working with Sharon Cuneta on stage or in front of the camera is always a treat,” pahayag ng aktor.

Matatandaang naging guest si Ian sa US concert tour ni Megastar kamakailan at maraming nagsabing malakas din ang chemistry nila. In fact, nag-dialogue pa si Shawie na puwede niya talagang maging leading man ang aktor at isa-suggest daw niya ito sa Star Cinema.

When asked kung ano ang reaksyon ni Ian tungkol dito, he said, “unang-una, mapagbiro talaga siya and napakasarap niyang kasama, napakasarap niyang katrabaho and ako, I’d be honored to be part of that.”

Ano naman ang masasabi niya sa sinabi ni Sharon na naging instant Ian Veneracion fan matapos ang pagsasama nila sa concert?

“Nakakatuwa siyempre, kasi she’s very appreciative. Na-appreciate niya ‘yung... ‘yun nga, kasi ‘yung schedule ko nu’ng time na ‘yun, sobrang hectic talaga.”

Totoo naman daw talaga na ginawa niyang Quiapo ang Amerika dahil sa pagbalik-balik niya para lang sa concert ni Shawie.

“Isipin mo, overnight? Who does that? Go to LA (Los Angeles) and sing a few songs, and then uuwi. Pero ‘yun, eh sa akin kasi, commitment ‘yun, eh. Hindi ko naman akalaing magiging ganu’n ka-tight ang schedule and ‘yun, kung kaya naman...

“So, ‘yun, na-appreciate niya (Sharon) nang todo at sinabi naman niya and sinabi naman niya. And ako, I’m just happy. Kasi nga, sa akin, what a wonderful experience,” pahayag pa ni Ian.

Lovi nakapagpahinga sa tikiman kay Vhong

Pangalawang pagsasama na nina Lovi Poe at Vhong Navarro ang Woke Up Like This at ang una nila ay ang Shake, Rattle & Roll pero ayon sa comedian/TV host, ngayon lang talaga niya na-appreciate ang kapareha.

“‘Yung una naming pelikula, halos hindi kami nag-uusap nu’n,” kuwento ni Vhong, “kasi maigsi lang ‘yung shooting days namin nu’n.

“Kung baga, rito ko siya una na-appreciate na ang saya pala niyang kasama. I mean, parang tawa lang siya nang tawa, everytime na magkikita kami. Sa bawat eksena, tatawa agad ‘yan.

“Kung baga, ang sarap kasi, ‘pag ang kaeksena mo, tawa nang tawa. Kasi lalo kang ginaganahan.”

Ayon kay Vhong, marami raw siyang natutunan kay Lovi habang ginagawa nila ang WULT at isa na rito ang professionalism.

“Kung baga, akala ko, professional na ako, nakita ko ‘yung pagiging professional pa ni Lovi. Na talagang may mga bagay na minsan, bilang isang aktor, kailangan mo lang gawin dahil pinapagawa sa ‘yo.

“Kung baga, siya, nagre-request siyang gawin ko kasi kailangan kong gawin para sa karakter ko. Na ginusto niya ‘yun, hindi inutos sa kanyang gawin ‘yun.

“Kung baga, ang sarap lang kasi, kahit ako matagal na ako sa industriya, masarap na marami ka pa ring natututunan at dapat huwag hihinto o huwag kang magyayabang na kaya mo lahat o alam mo lahat. Dapat lagi kang may natututunan sa bawat araw,” pahayag ni Vhong.

Ayon naman kay Lovi, sobrang nag-enjoy siya while doing WULT at dahil comedy film nga ito, walang mga sexy scenes.

“Ang sarap po na hindi muna maghubad sa pelikula at wala munang love scene,” natatawang sabi ni Lovi.

Showing na ang WULT sa Aug. 23 mula sa direksyon ni Joel Ferrer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with