^

PSN Showbiz

Heart balik na uli sa pagpipinta

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart balik na uli sa pagpipinta

Heart Evangelista

Pinupuri ang kakaibang taste ni Heart Evangelista pagdating sa dining table set up ng kanilang bagong bahay.

Sa kanyang mga Instagram post, kinabibiliban ang kanyang dining wares.

Isa sa mga post niya ay Fil-Spanish dinner setup.

Meron din siyang plates na may European and Chinese history.

Makikita na sa social media accounts ni Heart ang ilang parts ng bagong bahay na ipinagawa niya kung saan nakatira na rin ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero at kambal nitong anak.

Pero ayaw pang ipa-pictorial ni Heart. Hindi pa raw ready at may kailangan pang i-fix.

Umano’y tatlong taon bago natapos ang nasabing bahay ni Heart dahil ayon sa dating interview niya, kinailangan niyang mag-ipon.

Pangarap niya ang nasabing bahay kaya tinututukan niya ang bawat detalye.

Anyway, sa kasalukuyan ay abala sa promo ng My Korean Jagiya ang actress na eere na sa August 21.

Dalawang Korean actors ang kasama niya rito, sina Alexander Lee na former member ng U Kiss at si David Kim.

Pero naisisingit daw nito ngayon ang pagpi-paint uli na for a while ay ipinahinga niya dahil nga naging busy siya sa Mulawin vs. Ravena bago nag-taping sa Korea for My Korean Jagiya.

Nagbiyahe pa siya sa Paris para sa Paris Fashion Week.

Meron siyang ini-upload na ginawa niya in bet­ween taping kung saan nagkaroon siya ng on-the-spot painting for a short film.

Wish ng mga sundalo tinupad ng kapamilya

Ipinadama ng ABS-CBN ang pagmamahal at pagkilala nito sa mga sundalong Pilipino sa programang  Saludo sa Sundalong Pilipino na ginanap noong Agosto 3 sa auditorium ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center.

Katuwang ang AFP, tinupad ng network ang hiling ng mga sundalo na makita at makasalamuha ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano habang nagpapagaling sila mula sa pakikipaglaban sa Marawi at sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Mahigit sa 150 na sundalo ang dumalo sa variety show kung saan unang nagtanghal ang The Voice Season 2 finalist na si Daryl Ong, CIDG boys na sina John Medina, Lester Llansang, Michael Roy Jornales, Benj Manalo, at Marc Solis. Naroon din ang child stars na sina Awra, Ligaya, at Pacquito at ang loveteams nina Ejay Falcon at Yam Concepcion at Ron Morales at Louise Delos Reyes.

Pinatawa naman ng komedyanteng si Jeffrey Tam ang mga sundalo sa kanyang magic tricks, habang nagpakilig naman sa mga kababaihang naroon si Jhong Hilario sa kanyang dance number. Nag-alay din ng awitin at sayaw sina Yassi Pressman at ang bida ng programang si Coco Martin, habang nagbigay-pugay rin sa katapangan at kagitingan ng sundalong Pilipino sina Susan Roces, Jaime Fabregas, Mitch Valdez, Angel Aquino, Sid Lucero, at Mark Lapid. Sina Malou Crisologo, PJ Endrinal, Marvin Yap, at Long Mejia naman ang nagsilbing hosts ng programa.

Nakisaya rin ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, Deo Endrinal, Jun Dungo, at Kane Errol Choa sa programa, na ideya ng ABS-CBN news reporter na si Chiara Zambrano. Personal na nasaksihan ni Chiara ang mga sakripisyo at paghihirap ng militar noong nasa Marawi siya upang mangalap ng balita ukol sa bakbakan.

Isang TV set at isang ABS-CBN TVplus din ang ibinigay ng network sa ospital na ipinresinta kay Jean Ano, ang maybahay ng AFP chief of staff na si Eduardo Ano. Naghanda rin ng grocery packages at personal care kits para sa mga sundalo ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya na ibinahagi mismo ng buong cast ng  FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng programa.

Ipinaalala ni ABS-CBN Integrated Public Service head Jun Dungo sa mga sundalo ang suporta ng buong ABS-CBN sa kanilang laban.

Pinasalamatan naman ni Maj. Marissa Narag ng AFP Medical Center ang network at ang programa, na nagdiriwang din ng 100th na linggo nito sa ere noong araw na iyon. (sundan sa pahina 10)

GMA Primetime shows, may kakaibang Lineup

Simula ngayong Lunes (August 14), mas pinalakas pa ang lineup ng GMA Primetime. After kasi ng 24 Oras, aarangkada na ang pagbabalik ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes as Pepe sa Alyas Robin Hood na doble at nilevel up na lahat, mula sa action, comedy, adventure at romance. Kasunod naman nito ang mas kapana-panabik na mga eksena sa Mulawin vs. Ravena na pinangungunahan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. Mas tututukan ito ng viewers lalo pa’t may namumuo nang pagtitinginan kina Almiro (Derrick Monasterio) at Anya (Bea Binene) habang parehong naging tao na sina Lawiswis (Bianca Umali) at Pagaspas (Miguel Tanfelix) ngunit hindi nila maalala ang isa’t isa dahil tinanggal ang kanilang ugatpak.

Right after that ay ang finale week naman ng kilig series na I Heart Davao na inaabangan dahil sa tambalan ng real-life couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na grabe kung magpabaon ng good vibes bago matulog.          

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with