^

PSN Opinyon

Mainit na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGIGING mainit na ang bangayan at bantaan sa pagitan ng US at North Korea. Unang nagbanta ang North Korea na pagbabayaran ng US ang pagpataw ng sanctions sa kanila, at tatargetin nila ang Guam kapag nakaramdam sila ng panganib mula sa US. Ayon sa kanila, aabot ang kanilang mga nuclear missile sa nasabing isla. May nakita akong mapa, na kung aabot na nga ang mga missile nila sa Guam, aabot na rin sa Pilipinas. Hindi naman natinag si US President Donald Trump. Magpapakawala raw ang Amerika ng “fire and fury” kung magpapatuloy ang pagbanta ng North Korea.

Naaalala ko tuloy ang mga makukulay na salita na ginamit ni Saddam Hussein noong Desert Shield at Desert Storm, o ang unang Gulf War. Ito raw ang sasalubong sa mga Amerikano at mga kaalyado kung lulusubin nila ang Kuwait. Noong pangalawang Gulf War naman o Operation Iraqi Freedom, “shock and awe” ang ginamit ng mga militar ng US at UK para ilarawan ang kanilang kampanya ng pagbomba sa Iraq. Ipinakita sa CNN ang epekto ng pagbomba sa Baghdad.

Ngayon, dalawang bansa ang nagbabanta na naman at gumagamit ng mga makukulay na salita. Pero isantabi muna natin ang katuwaan, dahil nagiging seryoso na nga ang sitwasyon sa rehiyon ng North at South Korea. May mga mambabatas sa Amerika, iba kaalyado pa ni Trump, ang hindi nagustuhan ang mainit na pagbanta ng Presidente. Hindi raw dapat nagsasalita ng ganyan, kung hindi rin seryoso na gagawin ang banta. Sa mada­ling salita, tila hindi sila naniniwala na kaya ni Trump pumasok sa isang digmaan kontra ang North Korea, dahil na rin sa iba’t ibang aspeto tulad ng pulitiko. At sa kanyang pagbanta, tila bumaba na rin siya sa lebel ng North Korea.

Pero ano nga naman ang dapat gawin ng US kung ganito na magsalita ang North Korea, na may pinuno na hindi rin naman matino at malumanay, at ang tingin nga sa sarili ay buhay na diyos? Tila hindi nga ininda ang mga bagong parusa na ipinataw sa kanila ng UN. Hindi raw nila ititigil ang anumang pag-testing ng mga nuclear missile, dahil kailangang malaman ng US na hindi sila natatakot. Tila mensahe na rin sa lahat ng kaalyado ng US na hindi sila natatakot. Wala pang pahayag mula sa China at Russia sa bangayan ng dalawang bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with